Chapter 23

2.5K 54 0
                                    


DIANE'S POV.

Nag-aayos lang ako ng mga gamit ko.Plano ko kaseng dumalaw ngayon kila ate Sandra eh.Namimiss ko na kase sila drake,daniel at dealan.Ang gagwapo kase nila eh.Kamukha ni kuya.

Agad akong napasimangot nang makita kong pumasok sa loob ng bahay si Trina.Mas matanda siya sakin ng apat na taon but I don't call her ' Ate'.

Ayoko sa kanya,ayoko siya para kay kuya.Hindi naman masama ang ugali ni Trina pero I don't Know why!Basta naiinis ako sa kanya.Naiinis ako kapag sweet sila ni kuya.Duh!

"Hi Diane,Mukhang may pupuntahan ka"Palihim lang akong umirap.Mamaya pagalitan na naman ako ni kuya kesyo,Bakit daw nagpapakita ako ng attitude na ganun.Pakielam naman niya?Pag untugin ko sila eh.Psh!

"Obvious naman na aalis ako dibah!?"Medyo mataray na sabi ko.Sa kanya lang naman ako mataray eh.Nag iinit kase ang dugo ko sa kanya.Nakita ko namang ngumiti siya na mas nag painit sa ulo ko.Pretender!

"Ah,nagpaalam ka na ba kay Dwayne?"Hindi ko na napigilang mapairap.

"Bakit pa ako magpapaalam sa kanya?Wala naman siyang pakielam sa pupuntahan ko tsaka wag ka na ngang magtanong,di naman tayo close"Inis na sabi ko.Nakita ko namang naglaho ang ngiti sa labi niya at hindi nakaligtas ang masamang titig niya sakin.

Napangisi na lang ako,sabi ko na eh.The bitch pretend to be demure.Kung si kuya napapaikot niya pwes ako hindi.Masyado akong matalino para maloko niya.Psh!

"Hindi ko na nagugustuhan ang ugali mo Diane"Inismiran ko lang siya at binangga.

"The feeling is mutual"Pekeng ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya at iniwan na siya sa sala.

Inis na sumakay ako sa sasakyan ko.Well,may driver license na rin naman ako,kahit na fifteen pa lang ako.May connection kase sila mom sa LTO.

Huminga muna ako ng malalim bago nagmaneho.Mukhang papagalitan na naman ako ni kuya pag uwi ko sa bahay!Tsss.

Dun naman magaling ang Trina na yun eh.Ang magsumbong at mag paawa kay kuya.Akala mo kung sinong anghel sa sobrang bait yun pala may sungay at demonyita rin.

Bigla namang nagring ang phone ko kaya naman sinalpakan ko yun ng earphone dahil nagmamaneho na ako.

"Hello?"Sagot ko sa kabilang linya.

"Hi Moo"Masiglang sabi ng nasa kabilang linya.Napangiti na lang ako at parang nawala ang init nang ulo ko ng marinig ko ang boses ng Moo ko.

"Hello din Moo ko"Masayang sabi ko habang nakatuon pa rin ang atensyon sa daan.

"Anong ginagawa mo ngayon Moo?"Tanong niya.

"Nagmamaneho ako ngayon,Plano ko kaseng bisitahin si Ate sandra pati yung mga chikiting niya"Nakangiting sabi ko.

"Ingat sa paamaneho Moo,Papakasalan pa kita.Ayokong maiwang mag isa"Drama pa niya kaya napairap na lang ako.Hindi pa rin pala nawawala ang pagkapilyo niya.

"Baliw ka talaga Moo!Wala akong planong Iwan ka noh"

"Baliw naman talaga ako Moo eh,baliw na baliw sayo.Ayiehh kinilig yan"Tudyo niya pa kaya naman napailing iling na lang ako.

"Oo na,Mahal na mahal naman kita"Bawi ko pa kaya naman saglit na nawalan ng imik sa kabilang linya.Bigla na lang akong napatawa.

"Ayiehhh!Kinilig ang Moo ko.Haha!Uy Moo,nandyan ka pa?"Untag ko pa dahil wala na talagang nagsalita.

"D-diane naman eh!Wag mo na ngang gagawin yun"Nauutal na sabi niya.Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.Sayang di ko makikita ang pamumula ng pisngi niya,mas lalo pa naman siyang nagiging cute nun.

Destined Amorous Lovers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon