Chapter 27

2.5K 54 0
                                    


DIANE'S POV.

Prente lang akong nakaupo dito sa may sofa sa sala namin.Nagbabasa lang ako ng favorite kong story dahil nag update na yung favorite author ko sa wattpad.Sobrang ganda kase nung story niya eh,nakakainspire.

Nakarinig naman ako ng mga yabag ng paa na pababa sa hagdan.Inalis ko muna ang tingin ko sa binabasa ko at nilingon kung sino yun.Walang emosyong tumingin lang ako kay kuya.Napataas pa ang kilay ko nang mapagtanto kong ayos na ayos siya psh!

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa binabasa ko pero hindi talaga ako mapalagay eh,ewan ko ba.Parang may nahihinuha akong mangyayaring hindi maganda.Napahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga.

"Saan ka pupunta kuya?"Lakas loob na tanong ko.Napahinto naman siya sa tapat ng pinto at halatang natigilan bago ako nilingon.

"Susunduin ko ang secretary ko"Sabi pa niya.Nangunot naman ang noo ko at doon ko pa lang napagtanto na si Ate Sandra ang tinutukoy niya.

"Bakit mo susunduin si Ate Sandra?"Takang tanong ko.Ano na naman bang kailangan niya kay Ate Sandra?Binigyan niya naman ako ng makahulugang ngiti bago sumagot.

"Sisimulan ko nang ayusin ang mga bagay bagay na dapat noon ko pa ginawa"Then after he said that.Tinalikuran na rin niya ako.Sandali pa akong natigilan bago nakabawi.

Seryoso ba si kuya sa sinabi niya?O baka naman nagbibiro lang siya.Napabuntong hininga na lang ako.

Sa ilang taon na lumipas na umalis siya.Hindi na kami tulad nang dati.Yung sweet na magkapatid.

Hindi ko alam pero parang nawala ang amor ko sa kanya.May namuong galit sa puso ko ng iwan niya si Ate Sandra at ang tatlong anak nila.Parang pinatunayan niya lang din sakin na wala siyang kwenta,at dun nagsimula ang paglayo ng loob ko sa sarili kong kuya.

Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa binabasa ko.Pinagdadasal ko na sana maging maayos lang si Ate Sandra.Saksi ako sa naging hirap niya sa loob ng tatlong taon siya lang mag isa na bumuhay sa tatlo niyang anak.

Sobra kong hinahangaan si Ate sandra to the point na nagagawa kong talikuran ang sarili kong kadugo.Deserve naman niya siguro iyon,Iniwan niya ang taong nag papaalala sakin ng katauhan ni mom.

Iniwan niya ang babaeng mahal niya sa panahon na dapat mas nanatili siya sa tabi nila.Sana lang talaga,Hindi na muli pang saktan ni kuya si Ate sandra.Dahil alam ko na baka sa pagkakataon na ito.Mas lalo siyang mahirapan makalimot sa sakit.

----
ALESSANDRA'S POV.

Napangiti na lang ako nang makuntento na ako sa itsura ko.Nagsuot lang ako ng off shouler na color white at pencil cut skirt.Itinirintas ko lang din ang buhok sa kalahating bahagi ng buhok ko at naglagay ng light make up.

Binitbit ko na rin ang bag ko at lumabas ng kwarto.Naabutan ko naman sila Drake,Daniel at dealan sa may sala at naglalaro ng habulan.Napailing na lang ako bago lumapit sa kanila.Ang kukulit talaga kapag bata pa.

"Aalis na si mama,Kiss niyo na si mama"Nakangiting sabi ko.Napahinto naman sila sa paglalaro at mabilis na tumakbo palapit sakin.

"Mama,Ang ganda ganda niyo po"Sabi naman ng panganay kong anak na si Drake bago ako hinalikan sa cheek.Sumunod naman si daniel na dalawang beses akong hinalikan sa pisngi.

"Love you po ma"Napangiti na lang ako.Lumapit rin sakin si Dealan,ang bunso ko at binigyan ako ng halik sa pisngi.

"Ingat ka po ma,Bilhan niyo po kami pasalubong uh"Sabi pa ng anak ko.Ngumiti naman ako at hinalikan sila sa noo.

"Opo,Huwag kayong magpapasaway kay lola niyo hah?Maging mabait,aalis na si mama"Nginitian naman nila ako.Napangiti na lang din ako ulit ay gumaan ang pakiramdam ko.

Destined Amorous Lovers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon