Chapter 16

3K 62 0
                                    

                            🌿🌹🌿

ALESSANDRA'S POV.

Nagising ako ng may maamoy akong kakaiba na nagmumula sa kusina.Napangiwi na lang ako.Ano bang klaseng amoy yun?Nakakasulasok naman.Huminga muna ako ng malalim bago nagtungo sa banyo para maghilamos.

Tumingin naman ako saglit sa orasan 6:02 a.m.Nagpunas na lang ako gamit ang towel tsaka lumabas ng kwarto.Mamayang 8:00 Pa naman ang pasok namin nila Lalaine.

Habang papunta ako sa kitchen ay mas lalo kong naaamoy ang nakakasulasok na amoy na yun.Inipit ko na lang ng kamay ko ang ilong ko para hindi maamoy ang bagay na yun.Agad akong nagpunta sa kusina at  nangunot lang ang noo ko ng makita dun si Blake na nakaapron na color pink.

Agad akong napangiti at humaglpak ng tawa.Ang cute niya eh,Nagmukha siyang babae.Napahinto naman siya sa pagluluto niya at napalingon sakin.

"Teka,Alessandra Right?"Tanong niya pa.Napatango na lang ako,Nangunot lang ang noo ko habang nakatingin sa niluluto niya.

"Anong niluluto mo?"Tanong ko.Ngumiti naman siya,Gosh!Mukha siyang anghel.Mas mukhang maamo pa toh kesa kay Dwayne.Don't get me wrong may sa demonyo ang ugali nun!

"Uhm,Nagsasangag ako ng kanin.Dun kase sa France eh may personal maid ako,Tapos pinagluto niya ako ng ganito.I find it delicious so nagpaturo ako."Hindi niya inaalis yung ngiti niya habang nagsasalita.Naglakad naman ako palapit sa kanya at sinilip yun.

"Ganun ba?"

"Gusto mong tikman?"Hindi pa ako nakakatango ng dumakot siya sa dun gamit ang kutsara at itinapat sakin.Agad akong napangiwi at napatakip sa bibig ko.Gosh!Nakakasuka yung amoy.

"Ayos ka lang ba Alessandra?May problema ba?"Takang tanong niya.Hindi pa rin niya inaalis yung kutsara na may laman na kanin at may kasamang bawang at sibuyas.

Mas lalo kong naramdaman na parang kinakalukay ang sikmura ko.Wala sa sariling tinabig ko iyon at tumakbo papunta sa lababo tsaka nagsuka.

"Bwack"Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likod ko habang sumusuka pa rin ako.

"Hey,Are you okay?May nakain ka bang masama"Tanong niya.Gusto ko sanang sumagot ng may naamoy lang akong nakakasulasok kaso ayaw naman tumigil ng pagsusuka ko.

"What happened to her?Ano na naman bang ginawa mo sa kanya Blake?"Galit na sabi ni lalaine at narinig ko ang yabag ng paa niya palapit sakin.

"Wala akong ginawa sa kanya baby.Papatikim ko lang sana siya nung----"

"Bawang"Parang timang na sabi ko.

"What?Bawang?"Bulalas ni Lalaine.

"H-huh?"

"Yung bawang,ang baho ng amoy.Sira na ata eh"Nakangiwing sabi ko at nagnumog na sa may gripo.

"Ahm,Hindi naman iyon sira Alessandra.Bago lang yun,yun ba ang dahilan ng pagsusuka mo?"Tumango naman ako.Nang ilapit niya kase yun agad na nanuot sa pang amoy ko yun eh.Nakakahilo pa yung amoy kaya ako nagsuka.

Kumuha naman ng bawang si Lalaine at inamoy.Agad na nagsalubong ang kilay niya bago tumingin sakin.

"Its smells good,Dulot na naman ba yan ng pagbubuntis mo at pati bawang napagbibintangan mo?"Takang tanong ni Lalaine.Napakamot naman ako sa batok ko.Baka nga dulot lang toh ng pagbubuntis ko.Ang hirap pa lang magbuntis,Pati na rin sa paglilihi.

"Hehe,Dun lang ako sa kwarto,Maliligo na ako"Sabi ko na lang.Tinaasan lang ako ng kilay ni Lalaine bago tinanguan.Actually,Gusto ko rin makalayo agad bago pa sumabog sa inis sa Lalaine.Pakiramdam ko kase may dragon na naman na magwawala.Ayokong mabugahan ng apoy.

Destined Amorous Lovers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon