Chapter 4

4K 73 0
                                    

Chapter 4:The Bet

"It's hard to open up your problem,so your always keep your mouth shut just to keep it as a secret"

DWAYNE'S POV.

Nandito lang ako ngayon sa moon light. Dito kami madalas tumambay ng mga kabarkada ko.

"Uy,dwayne tahimik ka dyan"Sita sakin ni Carl. Di ko lang siya pinansin at inubos ko na lang ang natitirang margarita sa baso ko.

"Bakit parang nawawalan ka na ng gana tol?"

"Oo nga, sino nga ulit yun? Si hariet?"

"Oo nga tol, Ang ganda 'non. Sexy pa. Tiba tiba ka na dun. Siya pa nagprisinta na maging parausan mo bakit mo tinanggihan?"

Naglagay na lang ulit ako ng alak bago nagsalita.

"Eh kung manahimik na lang kaya kayo. Psh! Oo maganda si Hariet at sexy eh aanhin ko naman siya?Alam niyo namang madali lang akong magsawa"

"Ayown naman pala"

"Pero tol, pansin ko lang...Bakit parang panay ang tingin mo kay Sandra?"Natigilan naman ako. So napapansin rin pala nila?

Dakilang matalas nga naman talaga ang mata ng isang 'to!

"Napapansin ko rin yun dwayne. Pasimple mo siyang tinitingnan ng hindi niya alam. Umamin ka nga, may gusto ka ba dun?"Muntik ko ng maibuga ang alak na iniinom ko sa sinabi niya.

"Putik! Magdahan dahan ka nga. Ako magkakagusto kay sandra?"

"Bakit? Maganda naman siya. Mali, malaanghel sa ganda. Mabait at matalino.Kabaliktaran mo. Hahaha" Naibato ko na lang sa kanya yung bagay na nakalagay sa mesa.

"Chill dude, pero ano? Type mo ba?"Tanong pa ni Richard.

"Tigilan niyo nga ako. Attracted lang ako sa kanya yun lang"Pag amin ko.

"Ayun naman pala, attracted lang?Dyan nagsisimula yan eh"Asar pa nila. Tumayo na lang ako at lumabas ng bar.

Mga peste!

Mang asar ba naman. Sumandal na lang ako sa dingding at nagsindi ng sigarilyo. Biglang may nagflashback na scene sa utak ko.Fuck!Bakit ko ba yun naaalala?

Hayss. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari samin ni sandra. Hindi naman ako ganito noon. Kinakalimutan ko na lang iyon pero dimwit! Pabalik balik siya sa utak ko.

Hindi rin ako makapaniwalang may ginalaw akong virgin. First time kong makipagsiping sa birhen pa.

Arghh! Tumigil ka na nga dwayne!Babae lang yun. Kalimutan mo na.

Itinapon ko na lang ang ubos na sigarilyo at nagpamulsa. Uuwi na lang ako. Ayoko na ring bumalik sa loob dahil paniguradong aasarin lang ako ng mga iyon.

Nagmaneho na ako at bigla na lang akong napangiti ng maalala ko ang reaction niya kanina.

Mukhang ako pa ata ang first kiss niya. Kapag sinuswerte ka nga naman.

ALESSANDRA'S POV.

Tapos na akong mag ayos ng sarili ko. Hinihintay ko na lang si Lalaine dito sa labas ng bahay. Sabi niya kase ay susunduin niya ako.

May huminto namang sasakyan sa tapat ng bahay namin kaya alam kong kotse na iyon nila Lalaine. Bumukas naman ang side mirror at bumungad doon si lalaine na nakanguso.

"Bakit ganyan 'yan itsura mo?"Tanong ko naman sa kanya. Inginuso naman niya si Kuya Calvin sa likuran.

Kaya pala.

Destined Amorous Lovers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon