Chapter 35:

2.6K 52 1
                                    


ALESSANDRA'S POV.

Malapad ang ngiti ko habang inaayos ko ang mga gamit ko sa bag.Nang matapos ako sa pagsasalansan nun ay isinara ko na rin ang bag ko at isinukbit ba rin yun.Kinuha ko na lang din ang mga folders na nakalapag sa kama.Napangiti naman ako ng damputin ko ang isang bagah na matagal ko ring pinag ipunan.Humugot muna ako ng malalim na buntong hininga bago lumabas ng kwarto ko.

This Day is very special.Not only for me but also for my mother.Birthday ni mama ngayon at nagkataon rin na Mother's Day ngayon.Agad ko naman silang nakita sa may sala.Nakaupo lang si mama sa may sofa habang may pinagkakaabalahang mga magazine.Si papa naman ay ganun rin,magkatabi sila ni mama.Nagbabasa lang siya ng dyaryo habang nagkakape.Ang triplets naman ay nakaupo sa lapag habang masayang naglalaro ng chess.Napailing na lang ako,hindi ko alam kung paano sila natutong maglaro nun.

Lumapit na lang ako kila mama at papa tsaka humalik sa mga pisngi nila.

"Goodmorning po ma"Masayang bati ko kay mama.Nag angat naman siya ng tingin sakin.

"Magandang umaga rin anak.Bakit ang laki ng ngiti mo?Ano bang okasyon?"Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni mama.Kahit kailan talaga si mama makakalimutin.Maski kaawaran niya kinakalimutan.Hayss..Inilabas ko na lang ang regalo ko para sa kanya.Nangunot lang ang noo niya.

"Ano iyang hawak mo Sandra?"Nagtatakang tanong nang mama.Nakangiting ibinigay ko iyon sa kanya.

"Kayo naman mama,Birthday niyo po kaya.HAPPY BIRTHDAY PO ma,and HAPPY MOTHER'S DAY na rin po"Masiglang bati ko sa kanya at walang pag aalinlangan na yumakap sa kanya.Ang sarap kase sa pakiramdam na mayakap ang iyong ina.Iba yung feeling na parang may humahaplos sa puso mo kapag kayakap mo ang espesyal na tao sa buhay mo.Ngayon lang naman ako naging kaattach kay mama.

"Ikaw talagang bata ka,Nag abala ka pang bigyan ako nito.Hindi ko naman kailangan ito eh."Apela ni mama.Nginitian ko na lang si mama.Kahit kailan talaga ayaw na ayaw niya sa gastos.Bigla namang huminto si papa sa ginagawa niya at niyakap si mama.

"Halika ka nga rito hon"Nangunot lang ang noo ni mama habang nakangiti naman si papa.

"Pabayaan mo na yang anak mo.Eh buti pa nga si Sandra naaalalang batiin ng maligayang kaarawan ang nanay niya at batiin sa pagiging ina nito sa kanya.May ibang kabataan dyan na hindi kayang gawin ang kayang gawin ni Sandra.Hindi lahat open sa magulang,kaya hindi nila magawang magpakita nang konting attachment man lang sa kanilang magulang.Kahit gustung gusto nilang sabihin sa kanilang magulang ang mga katagang'Mahal kita"Mananahimik na lang sila at ibubulong sa hangin ang katagang iyon dahil sa takot sila"Sabi naman ni papa.

"Kaya nga po mama"Nakangiting sabi ko.May iba naman talaga na hindi ganun ka open sa mga parents nila.Yung tipong parang pader sa pagitan nila.Kaya minsan kapag may problema na hindi nila kaya,sa kaibigan sila lalapit at hindi sa magulang.Kase walang bukas na komunikasyon sa pagitan ng magulang at nang anak.

"I love you mahal,Happy birthday and  happy mother's Day napaka swerte ko at ikaw ang naging asawa at ina ng anak natin"Dun naman napangiti si mama at pasimpleng kinurot si papa sa tagiliran.

"Ayiehhh,ang sweet nila.Naiinggit na tuloy ako"Pabirong sabi ko kaya naman napailing si mama.

"Tigilan mo nga ako mahal,Sandra anak,Maraming salamat.Happy mother's rin sayo,Ina ka na rin ng tatlo mong anak"Napatawa naman ako sa sinabi ni mama.

"Oo nga po pala,nakalimutan ko haha"Tanging nasabi ko na lang.Nang tingnan ko naman ang relo ko ay malapit nang mag eight.Kailangan ko na palang umalis.

"Ma,pa,malapit na pong mag alas otso,mauuna na po ako"Paalam ko naman kila mama at papa tsaka humalik sa pisngi nila.

"Babies,Kiss niyo na si mama dali.Aalis na ako"Malambing na sabi ko naman sa kanilang tatlo.Agad naman silang huminto sa paglalaro ng chess at mabilis na sumugod sakin at hinalikan ako sa pisngi.Napatawa na lang ako,ang kukulit kase nila.

Destined Amorous Lovers (Completed)Where stories live. Discover now