Chapter 7

3K 73 1
                                    

                              🌿🌹🌿

LALAINE'S POV.

Naglalakad na kami ngayon sa hallway.Hawak ko yung kamay ni Sandra kase inaalalayan ko siya.

Kanina kase ng sinundo namin siya sa bahay nila naabutan namin siyang nagsusuka.

Morning sickness.Alam ko rin na hindi magtatagal at makakahalata na rin sila tita sa mga pagbabago kay sandra.

Sobra akong nakokonsensya.Siguro nga hindi niya sinisisi sa nangyari pero pakiramdam ko kasalanan ko.Ngayon may nakapatong pang mabigat na responsibilidad sa kanya.

Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at huminga ng malalim habang sapo niya ang ulo niya.

"Aish!Nahihilo na naman ako"Agad ko naman siyang inalalayang maglakad.Science na ang susunod naming klase kaya papunta kami ngayon sa Locker namin para kunin dun ang libro namin.

Yung pinsan ko naman nauna na sa room.Siya na rin yung nagbitbit ng bag namin.Hindi na nakabalik.

Agad ko namang binuksan ang locker at kumunot lang ang noo ko ng makakita ng papel doon.Kinuha ko naman iyon at binasa

'Kung ako sayo.Lalayuan ko na si Sandra.Kung ayaw mong madamay'Napailing iling na lang ako.

Nilingon ko naman si Sandra at halos lumuwa ang mata ko.What the hell.

Halos mapuno ang locker niya ng ibat iban mga papel.Hindi naman siya gumalaw at nanatiling nakatitig lang doon.

Bigla namang dumating si kuya Calvin at napansin ang pagkatulala ni Sanra.

"Ano yan?Anong nangyari dito?"Walang sumagot samin.Nang tingnan ko naman sya nanginginig ang kamay niya at bigla na lang siyang nabuwal sa kinatatayuan niya.

Mabuti na lang at nasa likod niya si Kuya Calvin kaya agad rin syang nadaluhan at nasalo.

"Ayos ka lang"Nakita ko ang pag ngiwi niya at ang paghilot nya sa sentido niya.

"Nahihilo ako at---"Agad siyag napatakip sa bibig niya at alam ko na kung bakit.

Agad namin siyang inalalayan papunta sa rest room at agad na siyang nagsuka sa lababo.

Hinagod ko naman ang likuran niya.

"Hey,Huwag ka munang pumasok sa klase natin.Ieexcuse na lang kita.Masama ang pakiramdam mo"

Nag aalala na kase ako sa kanya eh.Halos Araw araw ganyan na lang lagi.Isang buwan na rin ang tiyan pero hindi halata dahil siguro sa maliit siyang magbuntis.

"Hindi na kailangan Lalaine.Baka magtaka--Bwack"Nagsuka na naman siya.Hindi na tuloy ako mapakali.

"Sandra naman,You  should go to clinic.Nag aalala na ako sayo eh"

Nagmumog na rin siya at humarap sakin.

"Kaya ko pa naman Lalaine,Ayokong magtaka sila tsaka masasanay rin ako.Ganito naman talaga kapag nagbubuntis dibah?"

Nakangiting sabi niya wala sa sariling napatango na lang ako.Kahit kailan din matigas ang ulo nya.

Bigla naman kaming nakarinig ng kalabog sa isang cubicle at halos manlamig ako ng makita roon si hariet.And traydor naming kaibigan.

Agad ko namang nilingon si Sandra na natigilan rin at alam kong natatakot siya.Hindi kaya narinig ng malanding toh ang sinabi ni Sandra?No way!Tiyak na ipagkakalat niya iyon.

"O.M.G!So totoo pala ang conclusion ko na buntis ka dahil halos araw araw kang nagsusuka"Tiningnan pa niya si Sandra ng puno ng panlalait at panghuhusga.

Destined Amorous Lovers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon