Chapter 39

1.8K 33 0
                                    


LALAINE'S POV.

Nandito lang ako ngayon sa may flower shop dahil wala naman akong kasama sa bahay.At isa pa,Sinabi rin sakin na makakatulong ang mga magagandang bulaklak para marelax ako.

Napabuntong hining na lang.Wala man lang magawa rito.Sayang at hindi ko kasama ngayon si hubby.

Haysst!Nakakainis naman.Buti pa sila sandra may family outing at sa palawan pa.Napabuntong hininga na lang ako tsaka kumuha nang grapes sa bowl na hawak ko.Ang sarap kase kase ng prutas na ito lalo na kapag sinasawsaw ko sa asin.Narinig ko naman ang biglang pagtunog nang glassdoor kaya naman napalingon agad ako doon.Narinig ko na agad ang mga tawanan nila.

Actually,apat kase silang pumasok sa shop ni tita.Inayos ko na lang muna ang sarili ko bago lumakad papunta sa pwesto nila.

"Good morning Gentlemen,welcome to our flowershop.What can I do for you?"Nakangiting pagbati ko sa apat na kalalakihan.Agad naman silang napalingon sakin.

"Ahh goodmorning rin miss"Sabi naman nang isang lalaki na may color red sa kanyang buhok.Mukha siyang cool pero mukha ring playboy.

"Magandang arw rin sayo binibini"Ang sumunod naman na bumati sakin ay isang lalaki na may maamong mukha.Gwapo siya at nakakagaan sa pakiramdam ang pagngiti niya.

Hindi ko naman inalis ang ngiti sa labi ko.

"Uhmm..Ano po bang hanap niyo?"Tanong ko naman kahit obvious naman na bulaklak ang hanap nila.What I mean is,anong klase.Common sense na lang kung meron sila nun.

Hindi naman agad sila nakasagot.Parang mga lutang,nag almusal ba ang mga ito?

"I-ikaw--Este,bulaklak..Tama bulaklak!Yun yung hanap namin.Hehe"Nangunot naman ang noo ko kasabay nang pagtaas nang kilay ko.Ayos lang ba sila?Dinaig pa nito nakasinghot nang opyo eh.

"Ah...Ano po bang klase?Roses,tulips,daisy,sunflower,moon flower, or ano po bang gusto niyo?Alam ko pong bulaklak.Kaya nga flower shop eh"Medyo sarcastic na sabi ko.Ngumiti naman ang isa sa kanila na mukhang manyakis.Nagulat pa ako nang kunin niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nang palad ko.

"Ang hanap namin ay kasing ganda mo binibini"Napangiwi naman ako at agad kong binawi ang kamay ko na parang nandidiri.Palihim lang akong napairap,masyadong manyakis.Kaya pala,mukha pa lang halata na.

Tumikhim na lang ako at nagsimula nang maglakad pabalik sa may flower section.Kinakabahan kase ako kapag malapit ako sa kanila o kaya naman malapit sila sakin.gross!Nasan na ba kase si hubby?Haysst.

"Pumili na lang kayo dyan nang magandang bulaklak na ibibigay niyo sa mga girlfriend niyo"Sabi ko naman.Pinagdiinan ko talaga yung 'Girlfriend'.Nangunot naman ang mga noo nila.Psh!Ang ganda ganda nang gising ko ngayong araw tapos sinira lang nang mga bwisit na lalaking toh.Ang sarap hamblusin nang matinik na rosas para magkasugat sugat ang mga mukhang walang kwenta.

Nagsimula na rin silang pumili nang bulaklak habang masama ang tingi ko sa kanila.Ewan ko ba pero may nararamdaman akong inis sa kanila.Siguro dahil badtrip lang ako.Ilang sandali lang ang hinintay ko at agad rin silang nagbayad.

Napairap pa ako nang kindatan ako ni Mr.Maniac!Makalapit lang talaga ako sa kanya at hahambalusin ko siya nang vase sa gilid ko.

Akala ko naman ay aalis na sila ngunit laking gulat ko kasabay nang panlalaki nang mata ko nang may isa sa kanila ang nag abot sakin nang bulaklak.Tinitigan ko lang iyon kaya naman nakita kong napailing siya at inilapag iyon sa counter.

"Para sayo yan,do you still remember me lalaine?My lala?"Nakangising asong sabi niya.Nanlaki naman ang mata ko dahil nagulat ako sa tinawag niya sakin.Agad na napataas ang kilay ko at nagsalubong pa ang kilay ko.

Destined Amorous Lovers (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon