Chapter 5

3.5K 79 0
                                    

Chapter 5
-
ALESSANDRA'S POV.

Agad akong nagmulat ng mata ng makaramdam na naman ng pagkalukay ng tiyan ko.

Agad kong tinakbo ang banyo para makasuka. Aish!Hindi pa rin ako sanay sa morning sickness na 'to eh.

Nakakapanghina na tuwing umaga nagsusuka ako. Mabuti nga at hindi pa nakakahalata sila mama at papa kung hindi ay hindi ko na alam.

Naghilamos na lang ako at nagmumog. Sabado ngayon at walang pasok. Makakapagpahinga ako ng maayos.

Bumaba na lang ako sa may kusina. Kumakalam na rin kase ang sikmura ko. Naabutan ko naman sila mama roon na nag aalmusal na.

"Oh, Anak nandyan ka na pala.Halika rito sumabay kana"Tinanguan ko lang si mama at umupo na rin ako.

"Hindi ka na namin ginising dahil ang himbing ng tulog mo"Sabi pa ni papa. Ngumiti na lang ako pero biglang kumabog ang dibdib ko ng magtagpo ang mata namin ni papa.

Bakit ganun?

"I heard you vomiting"Sansala ni papa. Muntik ko na tuloy maibuga ang kinakain ko sa sobrang gulat.

Nanlamig rin ang kamay ko at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"Uh yes po,May nakain po kase akong hindi maganda"Pagsisinungaling ko.Lord, forgive me. Hindi pa ako ready na umamin. Hindi pa ako nakahanda sa pwedeng mangyari.Ayoko pa.

"Talaga ba anak? Pero Bakit dalawang linggo ka ng nagsusuka?Kung may boyfriend ka,iisipin naming buntis ka"Natigilan naman ako.

"Ho?"tanging nasabi ko na lang.Bakit ang hirap magcompose ng salita kapag kinokompronta ka na ng magulang mo?

"Sigurado ka ba Sandra na dahil lang yan sa nakain mo?"Tumango na lang ako. Pero kinakabahan pa rin ako. Halata kase sa boses ni papa na hindi siya naniniwala sa lame excuses ko.

"Ayoko sa lahat ang nagsisinungaling Sandra.Alam mo yan"Ngumiti na lang ako ng pilit at nagpatuloy sa pagkain kahit na hindi na ko makapagfocus. Arghh!Nangangatog ang tuhod ko.

"Uhmm papa?" Great sandra.Bakit nagsalita ka pa?

"Ano yun ?" Sabi niya pa. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"May kaklase po kase ako pa,W-wala po siyang boyfriend kase fling fling lang po siya tapos-Nabuntis po siya at ayaw panagutan ng lalaking nakabuntis sa kanya.Tinatanong niya kung a-no pong gagawin niya.Natatakot po siyang itakwil ng parents niya"Kagat labi kong sabi. Shit! Ang galing kong gumawa ng storya ko mismo.

Natigilan naman si papa at mukhang hindi inasahan ang naging tanong ko. Omy gosh.

"Uhm, Hindi ko alam anak...Dahil bilang isang magulang,gusto namin ang makakabuti para sa inyo pero kung ganun lang din ang nangyari itatakwil ko siya bilang anak ko!Pwedr niya ring ipalaglag ang bata para wala ng maging problema"Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko mula kay papa. Talaga bang sa kanya naggaling ang mga salitang yun?

Bigla kong nabitawan ang kutsarang hawak ko kaya naman napatigil sila. Shit!Sandra wag kang iiyak.

"Bakit kailangan pa k-niyang ipalaglag ang bata?"Paos na tanong ko.

"Dahil makakasagabal lang iyon sa pag aaral niya"Pakiramdam ko nanikip ang paghinga ko. Ngumiti na lang ako kahit na gustung gusto ko ng umiyak ngayon.

"S-salamat sa payo pa,Sa labas lang po ako"Dali dali akong lumabas ng bahay at ang dating lakad ay napalitan ng mabilis na takbo.

Hindi ko na napigilan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko.Ang sakit. Bakit ganun? Siguro naman hindi ganun ang sasabihin niya kapag ako na hindi bah?Sana nga.

Destined Amorous Lovers (Completed)Where stories live. Discover now