CHAPTER 45

1.8K 32 0
                                    

                           🌿🌹🌿

ALESSANDRA'S POV.

Wala pa ring tigil sa pagbuhos ang luha ko.Kahit anong punas ang gawin ko meron pa rin.Hindi pa rin sila nauubos,pero ako pagod na pagod nang umiyak.Halos araw araw na lang kase ako'ng nagkakaganito.

Pumara agad ako ng taxi at tumungo.Ayokong makita ni manong na umiiyak ako.Akala ko nga hindi na lang niya ako papansinin kahit na alam kong naririnig niya ang paghikbi ko.

"Hija?May problema ka ba?"Biglang tanong niya.Mabilis ko namang pinahid ang luha ko at umiling.Pinipilit kong pagtakpan ang nararamdaman ko ngayon.

"H-ho?W-wala po manong.Napuwing lang po ako"Pagsisinungaling ko.Nakita ko naman na napailing lang siya.

"Kayo talagang mga kabataan Oo,Papunta ka palang pabalik na ako kaya alam kong nagsisinungaling ka hija.Alam ko na wala ako sa lugar para magtanong kung ano ang nangyari pero kung hindi mo mamasamain.Ano nga ba ang nangyari?Bakit ka ganyan?Bakit kanina pagkapasok mo pa lang mukha ka nang malungkot at umiiyak ka pa"

Napabuntong hininga na lang ako.Hindi ko naman kakila si manong kaya okay lang siguro na mag open sa kanya.

"Ano po kase manong-Uhm,hindi ko alam kung paano ko sisimulan"Sabi ko na lang at napatungo.

"Simulan mo na lang sa dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon.Okay lang yan Hija,mas maganda na mailabas mo yan para guminhawa na rin ang pakiramdam mo at mabawasan ang mabigat na dinadala dala mo sa puso mo."

Humugot naman ako ng malalim na buntong hininga bago nagsimulang mag kwento.

"Meron po kase akong Taong minamahal.All this time wala atang pagkakataon na hindi ako umiyak at nasaktan but I still choose him because I love him.Akala ko ayos na ang lahat,perfect na sana eh.Kasal na lang ang kulang tapos biglang may nangyari--"Napaluha na naman ako kaya naputol ang pagkukwento ko.

"Sige,iiyak mo lang yan hija.Ilabas mo lang para hindi kana mahirapan"

"Hindi ko alam kung bakit palagi na lang kaming pinaglalayo ng tadhana.Palagi na lang kaming pinaghihiwalay ng panahon.Pakiramdam ko tuloy pinaglalaruan na lang ng tadhana ang kapalaran ko.Wala ba akong karapatan?Wala ba kaming karapatang maging masaya?Sa tuwing maayos na ang lahat tsaka may dumadating na matinding pagsubok,nung mga nauna nakaya naman namin pero yung ngayon.Hindi ko po alam kung kaya kong ilaban ang meron saming dalawa.Oo,mahal ko siya at mahal niya ako pero wala rin yo'ng halaga kung ang isa samin ay iba ang kinikilalang mahal.Unexpectedly he forget me and our children.Nakalimutan ako ng lalaking mahal na mahal ko"

Huminga muna ako ng malalim.Ang sarap pala sa pakiramdam na mailabas mo lahat ng kinikimkim mong sakit.yu'n ba'ng pakiramdam mo bigla na lang  gumaan yung pakiramdam mo.

Pero nasasaktan pa rin ako pero nakatulong rin ang paglalabas ko ng sama ng loob at hinanakit.

"Mukhang sobrang lungkot  nga talaga ang dinaranas mo hija.Kung ako sayo magpakatatag ka lang.Nabanggit mo na may mga anak kayo,edi doon mo na lang muna ituon ang atensyon mo,Ang buong pagmamahal mo.Kung nahihirapan kana,unti untiin mo ang pagmomove on.Alam kong hindi madaling gawin yun,madali lang sabihin pero konti lang ang nakakagawa.Naniniwala ako na malalagpasan mo rin yang dagok sa buhay mo.Darating rin ang araw na tatawanan mo na lang ang mga pangyayari na minsan nagpaluha sayo.Kung kayo talaga ang itinakda ng tadhana,Buwagin man kayo ng kung sino o kahit pa hadlangan kayo ng lahat ng tayong nasa paligid nimyo.Kayo at kayo pa rin ang magiging magkasama hanggang wakas"

Napangiti na lang ako sa sinabi ni manong.

"Salamat Manong,Kahit papaano po ay gumaan ang pakiramdam ko."Nakia ko rin naman na nginitian ako ni manong kaya mas lalong gumaan ang bigat sa puso ko.

Destined Amorous Lovers (Completed)Where stories live. Discover now