Chapter 31

2.5K 59 0
                                    


ALESSANDRA'S POV.

Bahagya ko lang naimulat ang aking mga mata ng may maamoy akong mabango na nag gagaling kung saan.Tuluyan na akong napamulat at napabangon sa pagkakahiga.

Agad naman hinanap ng paningin ko si Dwayne na hindi ko na naabutan na katabi ko.

"Umalis na siguro siya"Biglang sabi ko.Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot.

Namiss mo siya noh?Ikaw kase,masyadong bitter.

Pagbigyan mo na si dwayne sandra,Siguro naman sa pagkakataong ito.Mas papatunayan na niya na deserving siya sa chance na ibibigay mo.

Napapilig na lang ako ng ulo at napahawak sa may bandang dibdib ko kung nasan ang puso ko.

"Hayyyss!Ano bang nangyayari sakin?"Parang baliw na kausap ko sa sarili ko.Nasapo ko na lang din ang noo ko dahil sa kabaliwan ko.

Nababaliw ka naman talaga,Nababaliw ka na naman sa kanya.

Huwag ka nang matakot.Nagbago na yung tao,hindi kana sasaktan nun.

Ipinilig ko na lang ulit ang ulo ko at inalog alog ang utak ko.Kung anu ano na ang naririnig ko sa isip ko.Hayysst.

Bumangon na lang ako sa kama at nagsuot ng slippers.Gising na kaya ang mga bata?Hmmm.Masilip nga sa kwarto nila.

Agad naman akong lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa may kwarto ng mga anak ko.Nang pihitin ko na ang seradula ng pinto ay agad rin iyong bumukas.

"Drake dan---"Napahinto naman ako sa pagtawag sa pangalan nila ng mapansin kong wala nang tao sa kama.Nangunot lang ang noo ko,nasan na ang mga iyon?

Bakit ang aga naman ata nilang gumising ngayon?Napabuntong hininga na lang ako at isinara ulit iyon.

Naamoy ko lang muli ang mabangong aroma na naamoy ko kanina bago ako tuluyang magising.Itinuwid ko naman ang tayo ko at nagsimula nang maglakad.

Huminga muna ako ng malalim na hininga habang patuloy na naglalakad.Habang naglalakad ako ay unti unti akong nakarinig ng ingay.

Nangunot lang ang noo ko at mas binilisan pa ang paglalakad.

"Wow!Papa marunong pala kayong magluto ng pan cake"

"Wow!Favorite po namin toh eh."

Nagsalubong lang ang kilay ko.Boses iyon ng mga bata pero sino naman kaya ang kausap nila?Napailing na lang ako bago tinungo ang kusina at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko siya.

Bahagya lang siyang nakayuko dahil nilalagyan niya ng pan cake ang bawat plato ng mga bata.May suot rin siyang apron na color pink,which is sakin.

Nanatili lang akong nakatayo at parang napako sa kinatatayuan ko.Parang hindi ko na kayang igalaw ang mga paa ko para lumapit sa kanila.

"Ang sarap po papa,parehas po kayong masarap magluto ni mama"Sabi pa nang anak kong bunso na si Dealan habang masayang masayang kumakain ng pan cake na sa palagay ko ay niluto niya para sa kanila.

"Talaga ba?Masarap magluto ang papa?Magugustuhan kaya ni mama niyo ang luto ko?"Malambing na sabi niya at may sinusupilpil na ngiti sa kanyang labi.

Ngumiti naman sila kay Dwayne sabay tango habang patuloy pa rin sa pagkain ng almusal nila.Ako naman ay nanatiling nakatayo rito nang tahimik habang nakamasid sa kanila.

"Opo papa....Ang sarap kaya ng luto niy---Mama"Biglang sigaw ni daniel at mabilis na bumaba sa iniuupuan niya para tumakbo palapit sakin.Napansin na pala niya ako.Napalingon na rin sakin sila drake,dealan.Maging si Dwayne ay natuon na rin ang atensyon sakin.

Destined Amorous Lovers (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя