Chapter 29

2.5K 56 0
                                    

DIANE'S POV.

Napahikab na lang ako bago napabangon sa kama.Narinig ko na kaseng nag alarm ang alarm clock.Malapit na pa lang mag seven kailangan ko nang kumilos dahil kailangan ko pang mag review hayyy!

Bumangon na lang ako sa kama tsaka nagtungo sa banyo.Inihanda ko na rin ang uniform ko sa kama para madali na lang akong makakapag ayos ng sarli.Bitbit ko na ang tuwalya ng magtungo ako sa shower room.

Wala sa sariling napangiti ako habang  nagbabalik sa aking alaala ang mga pinag usapan ni moo kagabi.Iyon talagang Moo ko hindi ako tinantanan   kaya ayun,Ending napuyat ako.Binola pa ako na kahit na magmukha pa raw akong zombie at panda mamahalin pa rin niya ako at hinding hindi siya magsasawa na mahalin ang isang katulad ko.

Binuksan ko na rin ang tubig sa shower at nagsimula nang maligo.Napapapikit na lang ako sa bawat pagdampi ng malamig na tubig sa pisngi ko na nagmumula sa tubig ng shower.

Matapos kong malinis ang katawan ko ay pinatay ko na rin ang tubig at binalot ng makapal na tuwalya ang hubo kong katawan at ipinulupot iyon bago lumabas ng banyo at kinuha ko ang maliit na tuwalya at sinimulang punasan ang buhok ko.

Nang mapunasan ko na ang katawan ko ay agad akong nag suot ng uniform ko.Naupo na muna ako sa kama at sinuklay ang buhok ko na malapit nang matuyo.Kumuha na lang ako ng kaunting dami ng buhok sa may gilid at pinaikot iyon.Ganun rin ang ginawa ko sa kabila at pinagsalubong iyon tsaka inipitan ng ipit ko.Nag iwan rin ako ng bangs sa magkabilang gilid,mahaba na iyon.

Naglagay na lang ako ng kaunting make up para hindi ako mamutla.Kinuha ko naman ang salamin ko at isinuot iyon.Ang salamin na ito ay disenyo nang parang kay harry potter.Napangiti na lang ako ng makita ko ang repleksiyon ko sa salamin.Well, Mas lalo akong gumaganda,IMHO lang naman.

Kung hindi niyo alam ng meaning IMHO,It means In my humble opinion.

Agad kong isinuot ang boots ko at isinukbit ang bag ko.Nang silipin ko naman ang orasan sa may lamp stand ay pasado 7:28 na.Napabuntong hininga na lang ako bago lumabas ng kwarto.

Tahimik lang ang mansion,Palagi namang ganito ang senaryo rito.Nasa ibang bansa kase sila daddy at mommy.May inaasikaso silang business sa ibang bansa kaya naman ang mga naiwan rito ay kay Kuya Dwayne nila pinagkatiwala.

Napahinto naman ako sa paghakbang sa hagdan ng makita ko si kuya Dwayne na nakatulala habang nakatingin sa kawalan.Kapansin pansin rin ang pangingitim ng ilalim ng mata niya.Teka?Nagpupuyat ba si kuya?Pero-----Bakit?

Nagpatuloy na lang ako sa pagbaba at kusang napahinto ng marinig kong mabigat siyang napabuntong hininga.

"Ano bang gagawin ko para lang mapatawad mo ako?Hindi ko na alam ang gagawin ko"Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa kanya.

"Kuya"Mahinang tawag ko na agad rin naman niyang nahimigan kung kaya't siya'y nag angat ng tingin upang alamin kung kanino nanggaling ang boses na kanyang napakinggan.

"D-Diane?Bakit nandito ka pa,Malelate kana sa unang klase"Ang tanging  mga salitang lumabas mula sa kanya.Tiningnan ko naman si kuya ng puno ng pagsusuri bago nagsalita.

"Kuya,Ayos ka lang ba?May problema ba?"Tanong ko.Nakita ko ang pagsikdo ng gulat at kakaibang emosyon sa kanyang mata.Marahil ay nagulat siya sa aking inasta sapagkat simula nang umuwi siya rito at hindi ko na siya kinausap.Kung kakausapin man ay pabalang,nandito pa rin kase yung galit sa puso ko.Ang tanong na,paano niya nagawang iwanan ang katulad ni ate Sandra.

Bumuntong hininga naman siya at hindi nakaligtas sa aking paningin ang butil ng luha na kumawala mula sa kanyang malungkot na mga mata.Nasasaktan na siya.

Destined Amorous Lovers (Completed)Where stories live. Discover now