CHAPTER 49

2.3K 46 2
                                    

HIS POV.

Mahigpit ang hawak ko sa isang bagay na nakakulong sa loob ng palad ko.Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.

Kinakabahan ako.pa'no kung hindi niya tanggapin?Paano kung tanggihan niya ako?Paano kung lumakad siya palayo?Anong gagawin ko?

Napabuntong hininga na lang ako at napapikit.Pinagdadasal ko na sana hindi ganun ang mangyari.

Alam kong walang kasiguraduhan pero umaasa ako.Umaasa ako na tatanggapin niya ulit ako.Umaasa pa rin ako na magagawa niya akong mahalin ulit kahit na ilang ulit ko nang winasak ang kanyang puso.

Napangiti na lang ako habang nakatanaw sa malayo.Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko ng makita ang na masaya siya.Pero agad rin iyong napalitan ng kirot nang makita kong niyakap siya ng iba.

Napatungo na lang ako at tumalikod.Hindi ako dapat panghinaan ng loob.Kailangan kong subuka.Hindi ko na hahayaan na mawala pa siya ulit sakin.Tama na siguro ang walong taon na nagdaan na pinahirapan kami ng tadhana.

Ngayon ko papatunayan na ako ang itinakda para sa kanya.Pipilitin kong patunayan na kami ang para sa isa't isa.Sana pumayag siya sa hihilingin ko.Sana pagbigyan niya ako.Kung anuman ang magiging desisyon niya ay tatanggapin ko.Mahal na mahal ko siya kaya kahit alam kong maaari akong masaktan ay ayos lang.Isa kase iyon sa dapat na maranasan ng isang taong nagmamahal.Ang masaktan ng sobra ng dahil sa pagmamahal.

                         🌹🌹🌹

ALESSANDRA'S POV.

Humalik na lang ako sa pisngi ni Shiro bago lumabas ng kotse niya.Nginitian naman niya ako.

"Susunduin na lang kita babe"Sabi pa niya.Tumango na lang ako at kumaway ng magsimula na siyang magmaneho.

Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong hininga bago nagsimulang humakbang papasok ng cafe.Wala pa nama'ng masyadong tao kaya wala pa akong gagawing trabaho.

Agad akong dumiretso sa opisina ko at inilapag ang gamit ko.Naupo na lang ako sa isang swivel chair doon para ipahinga ang katawan ko.

Kasalukuyan ako noong nagpapahinga ng may marinig akong tunog ng pagbukas ng pinto.Nang imulat ko ang aking magkabilang mata ay agad na bumungad sakin si Francine.Ang secretary ng tita ni Lalaine.

"Hello Ms.Montereal,I am Francine Whitney the one who assist you last time.I want to tell you that all of the flowers that you're ordered was already ready."Nakangiting sabi nito kaya naman mabilis akong napaayos ng upo.Ngumiti na lang din ako at tumayo na.

"Uhmm,It's already outside?"Tanong ko pa.Tumango naman siya kaya napatango na rin ako.Lumakad na rin ako palabas ng office.Naririnig ko lang din ang yabag ng high heels na suot niya kaya alam kong nakasunod lang siya.

Nang makarating kami sa labas ay agad kong nakita roon ang mga inorder naming bulaklak para sa labas.

"Pakipasok na lang ang mga yan."Sabi ko naman kaya mabilis siyang tumango.

"Okay po Ms.Montereal"Agad naman niyang sinabihan ang mga trabahador na ipasok iyon sa loob.Napabuntong hininga na lang ako ulit.Wala na talagang atrasan toh.Ikakasal na ako.

Wala sa sariling bigla akong napalingon kung saan.Hindi ko alam pero parang may humihila sakin at nagsasabi sakin na doon ako tumingin.

Biglang bumilis ang kabog ng puso ko ng makita ko siya.Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.Siya ba talaga yun?Nag iba na ang itsura niya,Mas lalo siyang naging gwapo.

Walang tigil sa pagkabog ang puso ko na halos guluhin ang buong sistema ko.Hindi ko na tuloy magawang maialis ang tingin ko sa lalaking minsan nang nagpatibok ng puso ko.Hanggang ngayon pa rin naman ay siya pa rin ang laman nito.

Destined Amorous Lovers (Completed)Where stories live. Discover now