Chapter 30

2.7K 57 0
                                    

Lalaine's Pov.

Pinindot ko na lang ang button sa remote at pinatay ang flat screen.Sumandal na lang ulit ako sa may sofa at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

"Hayss!Anong oras pa kaya makakauwi si Blake?Naiinip na ako dito eh"Iritableng tumayo na lang ako,hindi talaga ako mapakali dito sa loob ng bahay.

Nagpakawala ulit ako ng malalim na buntong hininga bago kinuha ang cardigan ko at sinuot yun.Napagdesisyunan ko na lumabas na lang muna.Nababagot na talaga ako dito sa bahay,Hindi naman ako mapipirmi sa isang tabi.

Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan ko at sinimulang paandarin ang engine bago nagmaneho.

"Saan naman ako pupunta?hayss bahala na"Wala sa sariling sabi ko.Bahala na kung saan man ako makarating basta makalabas lang ako.Nakakainis ang sobrang tahimik,Pakiramdam ko tuloy hindi na ako nag eexist.

Patuloy lang ako sa pagmamaneho ng ihinto ko iyon sa tapat ng isang Playground.Parang may sariling isip at kaluluwa ang mga kamay ko para tumigil sa pagmamaneho.Binuksan ko na lang ang pinto ng kotse ko at lumabas doon.

Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng simoy ng sariwang hangin sa pisngi ko.Natuon naman ang atensyon ko sa isang duyan roon na may kalumaan na rin.Parang may sariling utak ang mga paa ko at lumakad papunta dun.

Pinagapang ko pa ang mga daliri ko sa kinakalawang na kadena ng munting duyan at parang tila kidlat na nagbalik sa aking alaala ang mga naganap sa park na ito ilang taon na rin ang nakararaan.

Naupo na lang ako sa duyan at agad kong narinig ang paglangitngit nun.Tanda na lumang luma na talaga ito at malapit ng bumigay.

"Dalawang taon na rin pala ang nakalipas"Mahinang naibulalas ko at bigla na lang napangiti.Dito sa playground na ito nakilala ko ang isang taong naging parte ng buhay ko.Dito sa playground na ito mismo ko nahanap ang isang tao na mapagkakatiwalaan.Dito kami nagkakilala ng pinakamamahal kong si Sandra.

Dito ko nameet yung babaeng yun,tandang tanda ko pa ang araw na yun.Tumatakbo ako noon palayo sa bahay namin,palayo sa mga magulang ko.Upang takasan ang mga sigawan at alitan,upang hindi marinig ang mga salitang hindi ko gustong maunawaan dahil alam kong tiyak ang aking pagkawasak.

Dito ko unang natagpuan ang sarili kong nag iisa.Lumuluha dahil sa hinanakit at takot.Takot na baka hindi na kami maging isang buong pamilya.

Biglang naagaw ng atensyon ko ang isang magaang kamay na humawak sa balikat ko.Una kong nakita sa aking pagmulat kahit na medyo nanlalabo pa dahil sa mga luhang naiwan,Isang babae na may ngiti sa labi at kusang loob na pinunasan ang mga luhang nagmumula sa mugto kong mga mata.

Hindi ko na rin naman namalayan ang mga pangyayari,Hanggang sa dumating sa point na kusa na akong nagbreak down na sa harap niya.sinabi ko lahat sa kanya lahat ng hinanakit at problema ko.

Pero sa kabila ng lungkot at takot na nararamdaman ko.Bigla akong nakaramdam ng tuwa,Nang biglang saya at pag asa sa sinabi niya.

Matapos nun ay naging matalik kaming mag kaibigan,at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang friendship namin.Pinahid ko na lang ang luha sa mata ko,Ang drama ko na pala masyado.

"Ayos ka lang miss?Kailangan mo ng panyo?"Agad naman akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na narinig ko.Nakita ko lang ang isang lalaki sa may gilid ko na nakaupo rin sa may isang duyan.Nakapagtataka lang na hindi ko namalayan ang pagdating niya.

"Ayos lang ako,Salamat na lang"Sabi ko sabay ngiti.Hindi ko alam pero ang gaan nang pakiramdam ko sa kanya.

"Uhhhh......Bakit ka nga pala nandito?Dibah pambata lang toh?"Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatawa sa sinabi niya.

Destined Amorous Lovers (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu