Chapter 41

2.1K 44 0
                                    

                             🌿🌹🌿

                 
ALESSANDRA'S POV.

Agad kong namulat ang aking mata nang matamaan nang sinag nang araw ang pisngi ko.Nagising tuloy ang nagpapahinga kong diwa.

Akmang babangon na sana ako para ibaba ang kurtina dahil mahapdi sa balat ang sinag nang araw nang matigilan ako.Hindi ako makaalis sa pagkakayapos sakin ni Dwayne.

Napangiti na lang ako at hindi na nag abala pang bumangon para gawin ang dapat na gagawin ko.Pinagmasdan ko na lang ang mukha niya.Napangiti naman ako,napakaamo talaga niya kapag natutulog.

May mahabang pilik mata.Mas mahaba pa ata ang pilik mata niya kaysa sakin eh.Ang tangos rin nang ilong niya at kahit na tulog siya,ang gwapo pa rin niya.Dumapo naman ang tingin ko sa labi niya.Mapula iyon at parang nang aakit.

Wala sa sariling napahaplos roon ang daliri ko.Napailing na lang ako at akmang babawiin na ang daliri ko nang bigla siyang magmulat nang mata.

"Good morning"Sabi niya sabay halik sa labi ko.Natigilan naman ako at hindi agad nakapag salita

"K-kanina ka pa ba gising?"Nauutal na sabi ko.Nginisian niya lang ako at mas lalo akong niyapos.Ramdam na ramdam ko ang higpit nun dahil tanging kumot lang ang nagsisilbing takip ko sa katawan sa mga oras na toh.

"Hmmm?Bakit?"Makahulugang tanong niya.

"A-ano----Wala"Sabi ko na lang at pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko.Gosh!Gising kaya siya nang pinagmasdan ko siya kanina?Aish.Nakakahiya.Narinig ko naman ang malamyos niyang tawa kaya naman agad na kumabog ang puso ko.

"You're blushing love...Well,kanina pa ako pa talaga ako gising pero nang makita ko na pinagmamasdan mo ko.Hindi ko muna minulat yung mata ko"Sabi pa niya kaya agad ko siyang nahampas sa braso niya.

"Salbahe ka talaga!"Medyo inis na sabi ko.Nakakainis kase eh,nahuli niya akong pinagmamasdan siya.

Nginitian niya lang ako at mabilis na hinalikan sa labi.

"Bakit ka mahihiya sakin?Love...kahit pa pagmasdan mo ako buong magdamag ayos lang.Sayo lang naman ako eh.Pwede mo rin akong angkinin,at halikan"Sabi niya sabay kindat kaya pinandilatan ko lang siya.

"Hindi ka pa rin nagbabago,manyak ka pa rin"Pabirong sabi ko.Napatawa naman siya sa sinabi ko at pinaggigilan ang ilong ko.

"Nakakaturn on ka kase love"Sabi niya sabay kagat nang labi habang nakatingin sa katawan ko.Agad ko naman siyang nakurot sa tagiliran.

"Ahray naman wife"Reklamo niya.Inirapan ko na lang siya at kumalas sa pagkakayakap niya.

"Heh!Maliligo na ako"Sabi ko pa.Halos mapasinghap ako nang bigla niya akong yakapin at halikan sa leeg.Napapikit na lang ako,gosh!Nagsisimula na naman akong mag init.

"Hmmm?...Sabay na tayo love"Sabi pa niya habang humahaplos sa braso ko.Humugot na lang ako nang malalim na buntong hininga bago humarap sa kanya at ginawaran lang siya nang mabilis na halik sa labi.

"Baka maging kambal agad yung request nang triplets kapag pinag bigyan kita"Pabirong sabi ko kaya naman nakita kong napasimangot siya.Napatawa naman ako nang mahina,ang cute kase niya eh.

"But love--"

"No buts Love,Puntahan mo na lang sila Drake.Paniguradong hinahanap na tayo nang mga bata"Sabi ko pa para pigilan siya.Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga niya at hinalikan ulit ako sa labi.

"Fine.Bilisan mo lang,miss na kita agad"Napailing na lang ako.May pagkaisip bata talaga ang isang yun.

Agad akong nagpunta sa shower room para maligo.Ilang minuto lang din ang ginugol ko para malinis ko nang maayos ang katawan ko.

Destined Amorous Lovers (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora