Chapter 48

2K 39 0
                                    

Alessandra's POV.

Itinupi ko na lang ulit ang sulat na natanggap ko at ibinalik muli sa sobre.Inilagay ko na lang iyon sa isang kahon kung saan nakalagay lahat ng sulat na natatanggap ko.

Napabuntong hininga na lang ako bago ko iyon ibinalik sa ilalim ng kama ko.Ilang araw na rin ang nagdaan nang magsimula akong makatanggap ng mga sulat.Kahit hindi ko iyon basahin ay alam ko kung kanino galing ang mga sulat na iyon.

Hindi ko alam kung bakit tinatago ko pa ang mga iyon kahit na mas gusto kong itapon na lang ang mga iyon.Hindi ko lang maintindihan kung bakit may pumipigil sakin na gawin ang bagay na yun.

Halos araw araw na lang ay nakakatanggap ako ng sulat mula sa kanya.Minsan tuloy ay napapatanong ako sa sarili ko.Ano pa bang saysay ng mga sulat niya?Mababalik pa ba nang liham niya ang panahon at mga taon na lumipas at nawala?

Bumuntong hininga na lang ako bago tumanaw sa may labas at kusang nagform ng smile ang labi ko.Nakita ko kase ang anak ko'ng si Aleina sa may garden na nakikipaglaro kila Blaire at luke.Inayos ko na lang muna ang sarili ko bago lumakad palapit sa kanila.

Agad ko namang nakita ang ginagawa nila kaya mas lalo akong natuwa.

"Wow naman,Ang galing naman ng prinsesa ko"Maligayang sabi ko ng makita ko ang ginawa niyang Flower crown.Nag angat naman siya ng tingin at nginitian ako.

Para siyang kid version ko.Kamukhang kamukha ko kase siya.Hindi ko nga akalain na darating siya sa buhay ng mga kapatid niya.Pero nagpapasalamat pa rin ako,kung hindi dahil sa munting prinsesa namin ay baka hindi na ulit ako nakatayo.

Nang dahil sa kanya ay pinilit ko ang sarili ko na maging matatag sa panahong hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.Naisipan ko rin'g tapusin na lang ang buhay ko sa pamamagitan ng pag inom ng sobra sobrang gamot.

Nang magising muli ako ay doon ko lang narealize na hindi ko dapat tapusin ang buhay ko ng dahil lang sa may nawala.Hindi ko dapat inisip na sumuko na lang basta dahil marami pang nagmamahal sakin.Marami pa ang handang tumulong sakin upang makabangon ulit.

Simula nang malaman ko na magkakaroon ako ng anak ay sobra ko yu'ng ikinatuwa.Mabuti na lang at naagapan ako at hindi napahamak si Aleina.Sobra kong ipinagpapasalamat na  hindi siya naapektuhan sa ginawa kong tangkang pagpapakamatay.

Napabalik naman ako sa realidad nang yakapin ako ng anak ko.

"Syempre naman po mommy,Mana kaya ako sayo.Hihi"Masiglang sabi niya kaya naman mas lalo akong natuwa.Ang gaan sa pakiramdam ng yakap niya.

"Ang galing nga po ni Aleyne eh,tingnan niyo po tita ampanget ng akin"Nakapout na sabi ni Blaire.Napatawa naman ako ng mahina.Kamukhang kamukha kase niya ang mommy niya lalo na kapag sumisimangot.Parehas na parehas sila.

Tiningnan ko naman ang gawa niya.Napangiti na lang ako,medyo magulo kase iyon at halos masira na ang bulaklak.

"Magulo ang pagkakagawa mo pero hindi naman totally panget.Madadaan naman iyan sa practice.Malay mo next time mong gumawa ay maganda at maayos na"Sabi ko kaya naman napangiti siya at niyakap rin ako.Parang may humaplos rin sa puso ko,napalapit na rin kase ang loob ko sa batang ito.

"Thank you po tita Sandra,buti pa po kayo hindi nilait ang gawa ko.Samantalang si luke halos ipagsigawan na walang kwenta ang gawa ko"Nakasimangot ma sabi nito.Mas lalo tuloy lumutang ang kacute-an niya.Nakikita ko sa kanya si Lalaine.

"Eh diba sabi ni mommy,honesty is the best policy?Nagtanong ka kaya sakin.Sabi mo pa bawal magsinungaling kaya sinabi ko lang yung totoo"Sabi naman ng kakambal niyang si luke kaya naman napailing iling na lang ako.Mga bata nga naman.

Destined Amorous Lovers (Completed)Where stories live. Discover now