Chapter 20

2.4K 50 0
                                    


ALESSANDRA'S POV.

Pinahid ko na  lang ang luhang dumausdos pababa sa pisngi ko.Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang sinabi ni Hariet tungkol kay Dwayne.

Ayokong maghinala pero bakit ganito yung pakiramdam ko?Bakit kahit anong gawin kong pag unawa na hindi iyon totoo ay walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang pagdududa.

Paano kung biguin na naman niya ako?Paano kung sirain na naman niya ang pangakong pinagkatiwala ko?.

Oo,mahal ko si Dwayne pero minsan nakakapagod rin na patuloy na magtiwala lalo na at wala naman kaming assurance sa isat isa.

Sapat na nga ba ang mahal niyo lang ang isa't isa para manatili kayong magkasama hanggang sa pagtanda?

Napabuntong hininga na lang ako bago binitbit ang bag ko.Lumabas na rin ako ng kwarto ko at hindi na nag abala pang magpunta sa hapag upang mag agahan.Hindi ko alam pero bigla na lang akong nawalan ng gana.

Hindi ko naman gustong patayin sa gutom ang anak ko pero hindi ko lang talaga mapilit ang sarili ko na kumain  sa ngayon.Dire diretso akong lumabas ng bahay at tumayo sa labas ng gate.

Nang tumingin naman ako sa oras ay malapit nang mag alas otso.Mula sa di kalayuan ay natanaw ko na rin ang sasakyan ng kaibigan ko.Mabilis ang pagpapatakbo nito at huminto sa tapat ko.

Bumaba naman ang wind shield nun at bumungad sakin ang fiancei ni Lalaine.

"Ang aga mo ngayon sandra"Tumango na lang ako dahil para rin akong nawalan ng gana magsalita.

Bumukas naman ang pintuan ng kotse kaya pumasok na rin ako.Katabi ko sa back seat si Kuya Calvin  na mataman lang akong tinitingnan.Hindi na lang ako umimik at tahimik na naupo na lang.

Nagsimula na ring magmaneho ulit si Blake.Sa una ay tahimik naman kami hanggang sa marinig kong bumuntong hininga ang kaibigan kong si Lalaine.

"Sandra,Ano na naman bang problema?"Tanong niya sakin habang diretsong nakatingin saking mga mata.Agad kong iniwas ang tingin ko dahil hindi ko kayang tagalan ang emosyong nakikita ko roon.

"Wala naman"Tipid na sabi ko.Hindi ko ugaling magsinungaling pero kailangan ko yung gawin.Alam kong pag nalaman iyon ni Lalaine ay sobra siyang magagalit kay Dwayne.

"Hindi ganyan ang itsura ng walang problema Alice,tell us what's bothering you"Napayuko na lang ako.Hindi ba talaga ako makakatakas sa mga tanong nila.Naramdaman ko na naman ang paglandas ng luha ko sa mata ko.

"I'm o---*Sob*"Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng tuluyan na akong magbreak down.Naramdaman ko na lang ang pagyakap sakin ni Kuya Calvin.

"Hey,Don't cry...Makakasama sa baby yan eh!"Pagpapatahan sakin ni Kuya Calvin.

"Ano ba kasing problema sandra?Mga kaibigan mo kami.Ano pang silbi namin kung isasarili mo lang ang lahat?"Sabi ni lalaine na halata ang pagtatampo sa paraan ng kanyang pagkakasabi.Pinahid ko naman ang luha ko at kumalas sa yakap ni kuya Calvin.

"S-si Dwayne kase"Nahihirapang sabi ko.Pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga sa tuwing babanggitin ko ang pangalan niya.

"Ano na naman bang ginawa ng tarantadong yun!?"Biglang sabat ni blake.Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni lalaine.

"Manahimik ka na nga lang dyan!Magmaneho ka!Huwag ka nang makisawsaw dito"Sermon pa ni lalaine.Tumingin naman siya sakin at nakita ko doon ang labis na pag aalala.Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Sabi ni hariet pumunta si Dwayne sa Zambales hindi para sa business kundi para makipag meet sa finacee niya."Napasinghap naman sila at agad na nagsalubong ang kilay.

Destined Amorous Lovers (Completed)Where stories live. Discover now