Chapter 1

33 6 0
                                    

"Ang tagal naman nila" reklamo ni Cha.

"Tsk! Ayna Cha! Di ka na nasanay kay baby Kin. Lam mo naman yun" sabi ko na lang. Siya na lang kasi yung hinihintay.

"Chat niyo nga!" Utos naman ni Jee. Inopen ko yung data ko at pini-m siya.

Kinji Jung
•Active now

Hyra: Kiiiiin!!!! Asan ka na???
kaw na lang hinihintay! Ayna

Kinji is typing......

Kinji: Teka, wait. Naghahanap
pa ako ng pwedeng ipalusot😅

Hyra: Bilisan mo na kitde
Andito kami sa statue ni
Rizal.

Kinji: opo! Opo!😂

"Nachat ko na. Naghahanap pa daw siya ng ipapalusot niya" isa isa naman silang napailing.

"Putik naman oh" nilingon ko si Jee. Napapano ito?

"Oy Jee! Ayos ka lang? Nangyari sayo?" Kumunot ang mukha niya habang nakatingin sa cellphone niya atsaka umiling. Nagkatinginan kami ni Charix atsaka nagkibit balikat.

"Hellooooooooo" bungad ni Kin saka ako niyakap

"Tsk! Ayna! Ang tagal mo" reklamo ko. Pinisil niya lang ang pisngi ko. Pinalo ko naman yun.


"Tara naaaa" sabi ko at agad na hinatak si Kin papunta sa hangouts. Nagsigawan naman yung tatlo.

"Ano sa inyo?" Tanong ko sakanila.

"Pop pop flakes! Yung shrimp! Dalawa sakin tapos shake na cappuccino tapos french fries yung medium"- Kin

Tinuro ko yung apat at nagtatanong na tinignan sila

"Ganun na lang din pero isang pop pop flakes" sabi naman nila. Isinulat ko na sa isang papel yung order namin at umupo na sa pwesto namin dito.

"Exchange gifts na!!!!" Excited na sabi ko habang nakangiti ng malapad. hehe, excited eh. Ano kayang regalo nila sakin? Waaaah! Sana Taehyung merchandize *O*

"Walang maarte ah!" Sabi ni Cha. Nagtawanan kami at isa isa naming binuksan ang regalo niya samin. Nakatanggap naman ako ng bracelet, pare-pareho kami. Sunod ay yung kay Kin, best friend t-shirt. Yung kay Jee naman ay mug na may pangalan namin tapos sa ibaba ng pangalan ko ay may naka-lettering na "Childish unnie". Tsk...... Talaga lang ah??? At ang panghuli ay yung kay Heily. Siguro teddy bear ito? Ang lambot kasi (^▽^)

"Woah~!!!! Astig!" Unan yun na may pangalan rin namin. Kulay blue yung akin, yung kay Jee ay sky blue, tapos yung kay Cha ay pink then yung kay Kin, tsk black as always.

"Teka~ amoy pabango ng lalaki" sabi ni Cha at inamoy amoy pa yung unan.

"Akin nga" kinuha naman ni Heily yung unan at inamoy ito.

"Ay, oo. Inunanan ni Kanekishi ito sa Cebu" tinignan namin siya.

"Pinsan ko. Remember nagpunta kami dun last week? Dun ko binili yang mga regalo niyo. Di ko napansin na ginamit niya yan" dagdag pa niya.

"Cha, ilakad kita kay Diyoshi. Diba broken ka kay Gavin? Baka magustuhan mo yun" sabi ni Heily kaya napalapit kami ng mabuti sakanya.

"Kwentuhan mo nga kami tungkol sakanila" sabi ni Jee. Hmm, mukhang interesado siya ah?

"Sige, si Thamaki or Tham siya yung pinakamasungit sakanila. Kumbaga sa'tin, parang siya si Jee" tinignan namin siya at pinaulanan ng tukso

"Ayieeeeeh" sabi ko at sinundot sundot pa yung tagiliran niya. Nagpoker face lang siya sakin.

"Tuktukan kitang itlog ka" sabi niya kaya itinikom ko na lang ang cute kong bibig. Mahirap na, baka totohanin niya.

"

Si Joshiro, siya yung baby face sakanila. Mukha siyang bakla na hindi. Ah basta yun" Natawa naman kami sa sinabi niya.

"Tapos si Kanekishi, parang siya yung bunso sa kanilang lima. Bagay sila ni Kin, parehong makulit" sinundot sundot ko ang tagiliran ni Kinji na katabi ko lang. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Tapos yun, si Diyoshi. Normal lang naman yun" lihim akong napasimangot. Nubayan, wala man lang akong natipuhan sakanila. Si Tham, masungit. Si Joshiro, makulit na baby face. Si Kanekishi, sus, kay Kinji na yun. Tapos si Diyoshi naman, wala, normal lang.

"Ay! Oo pala! Meron pang isa!" agad akong napalingon kay Heily.

"Si Yurenzo! Tahimik yun! Grabe" mas nilapitan ko pa si Heily dahil nagkaka-interesado ako sakanya. Tahimik, eyy?

"Bagay sila ni unnie. Matangkad, tsaka maliit" nagtawanan sila. Ako naman ay napasimangot lang.

"Ayiiieh! Unnie!!!!"

"Tsk! Isa!" Suway ko sakanila. Tinawanan lang nila ako.

"Sa wakas! May katapat na sa kaingayan ni unnie! Wooo!"- Jee

Sumimangot na lang ulit ako. Tsk! Nubayan!

"Ayna! Change topic na lang tayo! Andiyan na yung pagkain oh!" Sabi ko sabay turo sa paparating na pagkain namin.

"Oo na lang unnie"- Cha

Nag-umpisa na akong kumain at di na lang sila pinansin. Napa-isip naman ako, Yurenzo, hmmm. Can't wait to meet him, hehe.

"Uyyy si unnie iniisip si Yurenzo" natigil ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Heily.

"Tsk" nasabi ko na lang. Inasar na naman nila ako.

"Gawa ako ng GC natin. Ayos?" Sabi ni Jee kaya sumang-ayon kami.

"Squad" sabi niya kaya nag-oo na lang kami. Haaaay, Yurenzo. Siya na kaya magpapabago sa buhay ko?

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now