Chapter 21

7 5 3
                                    

Matagal akong nakatitig sa kisame bago napag-isipan na bumangon. Iniisip ko pa rin yung last message sakin ni Enzo. Pinakiramdaman ko ang puso ko, malakas ang tibok

Sa gulo ng isip ko ay naitakip ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad. Ano ba kasing trip ng lalaking yun at kung ano ano na lang ang nasasabi niya? Napailing na lang ako at nagready na para sa klase.

Mabilis na lumipas ang araw at ngayon ay magtatapos na ang first semester. Napasimangot ako ng maalala ko ang sinabi nila Cha na outing daw namin. Di naman totoo eh. Excited pa man din ako pero niloloko lang pala nila ako nun.

Ngayon ay napag-isipan nila na mag-outing kami sa Moon Crest Island bilang pambawi daw kaya nag-iimpake na ako ng mga damit ko. Natigil ako sa pag-aayos ng may kumatok sa pintuan kaya lumabas ako sa kwarto at nagtungo sa sala. Pagkabukas ko ay si Yurenzo ang tumambad sakin.

"Oh?" Tanong ko sakanya.

"Are you going on somewhere too?" Tanong niya ng makita na nakabihis ako ng pang-alis. Tumango lang ako kaya bumunntong hininga siya.

"Take care" sabi niya kaya naman agad kong naisara ng malakas ang pintuan ko at napasandal dun. Napahawak ako sa dibdib kong malakas ang tibok. Seriously? Para yun lang Hyra? Magkakaganyan ka na? Napailing na lang ako at napag-isipang bumalik sa kwarto ko para ipagpatuloy ang pag-iimpake.

HAWAK-HAWAK ko ang cellphone ko at nakasukbit sa balikat ko ang bag ko at hila-hila ang maleta habang naglilibot sa airport para hanapin ang lima. Kanina ko pa sila hinahanap ngunit di ko sila makita. Asan na ba ang mga yun?

"Unnie!!!!!!" Naialis ko ang tingin ko sa cellphone ko at binalingan ng tingin ang taong nagsalita nun. At ayun ay nakita ko silang lima na nakaupo sa may waiting area. Nagtataka ko silang tinignan ng makita ko ang limang lalaki na katabi nila. Di ko sila mamukhaan dahil pare-pareho silang nakashades at mask na black. Ano to? Myembro ba sila ng isang kawatan?

"Mga body guard natin. Hihi" sabi ni Heily na mukhang nabasa ata ang ekspresyon ko. Di naman sila umimik kaya nagkibit balikat na lang ako.

"May hihintayin pa ba?" Tanong ko sakanila

"Oo meron pa" sabi ni Heily at luminga linga sa paligid.

"Sinabi ko bang lumapit ka sakin?" Napalingon ako kay Jee nang sabihin niya yun. Matalim ang tingin niya sa lalaki na katabi niya.

"Hindi, pero gusto ko lang" sabi nung lalaki kaya naiinis na isinalpak ni Jee ang head set sa tenga niya. Nahuli ko pa ng tingin ang mata niya na umirap. Ano bang problema nilang dalawa? LQ??? Pano si Tham???

"Argh!!! Tigilan mo nga ako! Bwisit kang Pusit ka! Pusit!" Nilingon ko naman si Kin na binabato ng cheese puffs ang lalaki na katabi niya rin.

"Irog ko, teka!!!!" Tumayo si Kin at lumapit sakin. Niyakap niya ako.

"Unnie!!!! Ilayo mo ako sakanya!!!! Pleaseee!!!" Sabi niya at mas lalong hinigpitan ang yakap sakin. Napatawa naman ako dahil nararamdaman ko na ayaw talaga ni Kin sa lalaking yun. Atsaka teka, irog daw ah? Hehe. May maaasar ako nito. Tinignan ko si Cha na malungkot na nakatingin sa cellphone niya. Hula ko, si Arden yung kachat niya, nag-aaway na naman sila. Haaay, walang bago. Lagi naman eh

"Oh! Andiyan na pala yung isa nating kasama! Legoooooo!!!!" Sabi ni Kin at humiwalay na sa pagkakayakap sakin. Kinuha niya ang mga gamit niya at nag-umpisa na kaming maglakad. Ginuide naman kami ng isang stewardess para sa lagayan ng mga gamit. At pagkatapos nun ay ini-scan muna nila kami bago kami pinapasok sa eroplano. Magkakahiwalay kami ng seat number kaya wala akong ibang ginawa magdamag kundi ang matulog.

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now