Chapter 19

7 4 0
                                    

"Nag-alala ako!" Sabi niya ngunit di niya ako nililingon dahil busy siya sa paghiwa ng mga carrots na parang tinu-torture na niya. Nakaupo lang ako sa upuan at pinapanood siya sa mga susunod niyang gagawin.

"I've been texting Ravie if you're with him but he's not replying any of my message! I thought bad things might have happened to the both of you!" Sabi niya at lumingon sakin na parang tinutupok na ng apoy ang kanyang mata. Napayuko na lang ako sa klase ng tingin. Galit na galit talaga siya. But, why would he be? Responsibilidad niya ba ako?

"What? Titignan mo na lang ako?" Sabi niya. Umiling ako.

"Thanks for worrying" sabi ko in a low tone. Lumapit siya sakin at iniangat ang mukha ko.

"What's wrong with you?" Tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin saka tumayo.

"Manonood lang ako ng TV" sabi ko at nagtungo na sa sala. Ano bang problema ng lalaking yun? Bakit paiba-iba ang pakikitungo niya sakin? Di niya ba alam na nalilito ako kung bakit nagkakaganun siya? Haist. Nakakawala siya ng katinuan. Nakakainis na nakakakilig.

Nanonood ako pero wala sa pinapanood ko ang atensyon ko kundi sa pag-iisip ko kung ano ba ang dapat ko talagang maramdaman pag kasama ko siya.

Isa pa si Enzo. Di ko rin alam kung ano ang issue nun sa buhay at tinatawag akong "Asawa"

"Hey, let's eat" nilingon ko si Yurenzo at tumayo na ako. Tahimik akong kumakain at napapansin ko ang pagtingin tingin niya sakin.

"Oh bakit?" Sabi ko sakanya.

"May nagbago sayo" sabi niya. Para naman akong nasamid dun.

"May nagbago sakin? Baka sayo" sabi ko. Nangunot ang noo niya. Napailing na lang ako at inubos ang pagkain ko. Dinala ko na ito sa lababo at hinugasan. Nilingon ko siya na nakatingin lang sakin.

"Uwi na ako" sabi ko at tumalikod na sakanya. Bago pa man ako makalabas sa kusina ay nahapit na niya ang bewang ko at ipinulupot niya ang kamay niya na ikinasinghap ko.

"Y-yuren...."

"Hindi ka aalis hangga't di mo sinasabi ang problema mo" bulong niya sa tenga ko na nagpataas ng balahibo ko. Di ako makahinga ng maayos dahil sa posisyon namin. Napalunok ako at napapikit ng mariin, idinilat ko ang mata ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko.

"Now talk, Yra" sabi niya at hinigpitan ang pagkakayakap sa bewang ko. Nanginginig na din ang tuhod ko dahil sa kaba.

"H-hindi.... A-ano... T-teka" sabi ko na hindi mapakali. Ano bang problema ng lalaking ito?????

"Tell me...." Muli akong napalunok. Nakakailang ang posisyon namin pero wala lang sakanya. Tinatagan ko ang loob ko at huminga ng malalim.

"W-wala, wala akong problema. Nainis lang ako sa prof natin kanina kaya ganito ako. Ngayong alam mo na, pakawalan mo na ako" sabi ko sakanya. Napapikit ako ng mariin dahil sa di ko pagsabi ng totoo. Alangan namang sabihin ko na nagseselos ako sa kanila, diba?

Nang maramdaman ko ang pagluwag ng kamay niya sa bewang ko ay agad na akong lumayo sakanya. Naglakad ako palapit sa labasan ng kusina at huminto sa paglalakad



"S-salamat pala sa pagkain" sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Di siya umimik kaya tuluyan na akong umalis sa unit niya. Habang naglalakad papasok sa building ng unit ko ay ramdam ko pa rin ang yakap niya mula sa likuran ko, naipulupot ko ang dalawa kong braso sa aking tiyan at lihim na ngumiti.


Complete Opposite✔Where stories live. Discover now