Chapter 20

10 5 1
                                    

Buong araw akong nagkulong sa unit ko. Ni-lock ko ang pinto sa sala maging ang bintana ko. Muli akong napaiyak dahil sa nakita ko nung isang araw. Ayaw ko ng maalala pa.

Lumiban muna ako sa klase dahil mas lalong sumama ang pakiramdam ko.

I'm still crying in pain.

Maraming tanong ang bumabagabag sa isip ko like, anong ginagawa ni Aerich dun? Bakit sila magkasama? Matagal na ba siyang pumupunta ba lagi siya dun? Bakit nakayakap si Aerich sakanya? Sila na ba???

Nasapo ko ang sarili kong noo at marahas na bumuntong hininga. Kumalam na tiyan ko kaya lumabas na ako para kumain ng pang-gabihan.

Nilakad ko na lang ang food court dahil di naman ito masyadong malayo mula sa unit ko. Nang makapasok ako ay madali na lang para sakin ang humanap ng upuan dahil konti lang ang tao. Nag-order ako at sa may bandang glass wall ako pumwesto.

Nang makakain ako ay para bang may nakamasid sakin. Nilingon ko ang glass wall at kita dun mula sa labas si Yurenzo na nakatitig sakin. Nagsalubong ang kilay ko at tumayo papuntang comfort room. Ano bang ginagawa ng lalaking yun dun????

Lalabas na sana ako ng may humawak sa door knob at pumasok siya saka niya isinara ang pinto at mabilis niya akong ipinangko sa may sink. Nilagay niya ang magkabila niyang kamay sa gilid ko upang di ako makaalis. Matalim na tingin ang ipinupukol niya sakin. Yung parang ako pa ang may kasalanan.

"Bat di ka pumasok?" Mariin na pagkakasabi niya sakin.

"Ano naman sayo? Umalis ka nga diyan" matapang na sabi ko kahit na kanina pa nanginginig ang tuhod ko. Sinubukan ko siyang itulak pero malakas siya. Mas lalo lang siyang lumapit sakin.

"No" sabi niya. I gritted my teeth. Nang-iinis ba siya?

"Nang-aasar ka ba!? Alis sabi diyan eh!" Buong pwersa ko siyang itinulak kaya napabitaw siya sa may sink at kinuha ko na ang tyansa para makatakas pero nahuli niya kaagad ang kamay ko at ipinuwesto niya ako sa harap niya at mahigpit na niyakap ako sa bewang. Nakaharap kami sa salamin kaya kita ko kung pano niya ilagay ang baba niya sa balikat ko.

"Talk Hyra"

Napahinga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Nang idilat ko ang mga mata ko ay mas lalong lumalim ang tingin niya sakin.

"K-kala ko ba, mahal mo si Moe? B-bakit ano..... B-bakit si Aerich na ang kasa-kasama mo?" Tanong ko sakanya.

"Is that all?" Sabi niya na para bang may hinahanap pang ibang kasagutan. Tumango ako. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay niya sa bewang ko at tumalikod na sakin. Naiwan akong parang tanga kaya sinundan ko siya.

"Yurenzo yung tanong ko!" Sigaw ko pero nakalabas na siya ng food court. Napatakip na lang ako sa mukha dahil sa inis sakanya. Bwisit ang daya niya!

~•~

Kanina pa nagsasalita ang prof namin sa harap pero wala sakanya ang atensyon ko. Iniisip ko pa rin kung ano ang magiging sagot ni Yurenzo sa tinanong ko sakanya. Nilingon ko siya mula sa likod ko pero nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nakatingin din siya sakin kaya agad akong umiwas. Di ko na lang siya pinansin at mas pinagtuunan ng pansin ang dini-demo ng prof namin sa harap.

Nang matapos ang klase ay agad na akong lumabas pero agad na may humigit sa braso ko. Paglingon ko ay si Yurenzo yun.

"A-ano!?" Nauutal kong sabi pero I still manage to shout at him.

"I've been thinking all night about that question. And yeah, I still love Moe. Sorry for forgetting that we're helping each other for the one we love" sabi niya. Binitawan na niya ang braso ko kaya dali-dali akong lumabas ng classroom. Right, he loves Moe. Di na magbabago yun. It hurts but I have to accept it. Wala eh.

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now