Chapter 3

11 7 3
                                    

Alas tres ng umaga nang nagising ako. Pagkatapos kong maghilamos ay dumiretso na ako sa katabing building ng condo unit ko. Gumamit ako ng elevator pataas sa condo unit nung classmate ko na pinahiya ako.

Di na ako nag-abalang magdoorbell dahil expert na ako sa mga ganito, hehe.

Nang makapasok ako ay patay na lahat ng ilaw. Hinawakan ko ng mabuti ang hawak kong kahoy. Humanda ka talaga sakin. Maaaring na sakanya ang love letter na para dapat kay Ravie. Pano kung binasa niya na? Huh, humanda talaga siya.

Third Person's POV

Naalimpungatan ang binata dahil sa ingay na nanggagaling sa sala niya.

"Si Mama? Mamayang 5 pa out niya sa trabaho" nasabi niya sa kanyang sarili. Sinubukan niyang matulog ulit ngunit labis talaga siyang ginugulo ng ingay na yun.

Lumabas na siya sa kanyang silid at labis siyang nagimbal dahil sa bumungad sakanya.

Hyra's POV

Nilingon ko ang pinagmulan ng tunog na yun. May bumubukas na pinto. Agad akong pumwesto sa harap nun at nang bumukas na ang pinto ay siya namang paghambalos ko sa ulo niya. Ngunit sa kasamaang palad, nahawakan niya ito bago pa man tumama sa ulo niya.

"H-hey! Stop!" Di ko siya pinansin at buong lakas na binawi ang kahoy sakanya. Nang makabwelo ako ay iwinasiwas ko yun at nagbabakasakaling matamaan siya. Madilim nga kasi!

"Sh*t! You trying to kill me!?" Di ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagwasiwas ng kahoy. Hanggang sa biglang lumiwanag ang buong paligid. Hinihingal ko siyang tinignan. Teka, masyado siyang matangkad.

Hinila ko ang sofa palapit sakanya at pinatungan yun. Itinutok ko ang kahoy sa noo niya at walang emosyon ko siyang tinignan.

"I-ibaba mo yan" di ko siya pinansin at itinaas ng konti ang kahoy.

"Kalimutan mo na" Kunot noo niya akong tinignan.

"Kalimutan ang alin!?" Natataranta niyang tanong.

"Kalimutan mo na ang love letter!!!!" Bago ko pa man maitama sakanya ang kahoy ay nakaalis na siya sa pwesto niya kanina. Tinalon ko ang sofa at hinabol siya.

"Wala akong alam sa sinasabi mo!" Sabi niya habang tumatakbo.

"Argh!!! Tumigil ka!" binilisan ko pa ang pagtakbo ko at di ko napansin ang isang upuan kaya natalisod ako.

"Argh! Kainis!" Tumayo ako ngunit natumba ulit ako. Teka, nanghihina ako.

"Uy, ayos ka lang?" Di ko siya inimik.

*brrrrrrrr*

O///////////////O

Hanggang kelan ba ako ipapahiya ng sarili ko!?

~•~

"Love letter? May love letter sa bag ko?" Di makapaniwalang tanong niya sakin. Uminom muna ako ng tubig saka siya sinagot

"Oo" sabi ko sabay subo ulit ng isang kutsarang kanin. Hinalughog niya ang bag niya at inilabas ang love letter ko.

"For Ravie, huh?" Hinablot ko sakanya ang love letter ko at Isinilid sa bulsa ng pajama ko.

"Chill lang" inismiran ko lang siya.

"Teka, nahihiya ka ba?" Yumuko ako dahil totoo ang sinasabi niya. Oo nahihiya ako dahil sa seatmate pa ni Ravie napunta ang love letter ko sakanya.

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now