Chapter 8

7 4 6
                                    

Activity na namin. By partner yun at ang kailangan lang namin gawin ay magpasahan ng bola.

"Okay guys so by partner tayo...." Nagkatinginan kami ni Yurenzo dahil may plano kaming dalawa.

Flashback

Papasok na kami sa school nang maalala ko na may activity kami mamaya sa klase ni Sir Alejandro the panget. Naisip namin na by pair yun kaya nagplano kami. Ay, ako lang pala, hehe.

"Ganito plano natin Yurenzo, partner tayo mamaya--"

"What?" Putol niya sa sinasabi ko at may halo pa talaga itong pagkaasar at pag kainis na boses

"Sheeesh! Tumahimik ka muna! Let me finish first" sabi ko sakanya. Tumango naman siya at nag-umpisa na akong magdaldal.


"Pupwesto ako sa likod ni Denchel, tapos pagkatapos ng mga tatlong pasa ng bola sakin, lakasan mo na. Don't worry iilag ako kaya ang paniguradong matatamaan ay si Denchel. At dahil best friend ni Moe si Denchel, malamang sasama siya sayo at magiging partner ko si Ravie. Diba ang galing ng naisip ko!????" Naeexcite kong sabi sakanya. Sa haba ng sinabi ko ay isang tango lang ang nakuha kong sagot sakanya. Tss, kawalang gana naman ang lalaking ito. Sarap salpakan ng bulak yung bibig --__--

End of flashback



At tulad nga nang napagkasunduan, sa likod kami ni Denchel pumwesto. Nagpasahan lang kami ng bola. Nang pangatlo na ay kinindatan ko na siya. Malakas niyang ipinasa sakin ang bola, nailagan ko ito at nang tumingin ako sa likod ko ay natamaan nga si Denchel. Bagsak siya sa sahig. Agad na tumakbo si Yurenzo at akmang bubuhatin na si Denchel nang pigilan siya ni Ravie.

"Ako na" sabi niya. Umiling si Yurenzo at binuhat na si Denchel.

"Yurenzo ako na!" Sigaw ni Ravie na mukhang galit na. Lalapit sana ako sa kanila nang mabilis na inagaw ni Ravie si Denchel sa mga bisig ni Yurenzo. Masama niya itong tinignan

"Next time mag-ingat naman kayo" lumipat ang tingin niya sakin kaya tinamaan na ako ng konsensya ko. Teka, masakit rin. Sobrang sakit. Yung para bang sinisisis niya kami sa nangyari kay Denchel. Well in fact, dapat lang dahil planado ang lahat. Yan tuloy, nawalan ng malay si Denchel sa lakas ng impact

Nang makaalis sila ay tinawag ni sir Alejandro si Yurenzo, pati rin ako.

"Alam mo naman siguro Ms. Sy na matatamaan ni Yurenzo si Denchel so why didn't you catch the ball?" Kalmadong saad nito samin. Nakayuko ako habang si Yurenzo ay diretso lang na nakatingin kay prof.


"P-prof, n-nagulat din po ako--" natigil ako sa pagsasalita nang sumabat siya at bahagya pang tumaas ang boses


"That's not a valid reason! Nakita mo naman siguro na malakas yung impact nang pagkakabato sakanya ng bola diba!? You catch two balls before that and when Yurenzo throw the ball to you for the third time, you shocked!? What an excuse Ms. Sy!" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang luhang papatak na mula sa mata ko anumang oras. Buong buhay ko di ako sinisigawan ng parents at mga kapatid ko and him? Na professor lang namin have the guts to shout at me?


Complete Opposite✔Where stories live. Discover now