Chapter 30

7 3 0
                                    

Tumawa ako ng malakas. Nagpapatawa na naman ba siya? Grabe ah! Kami? Magdidate bukas? Tanga ba siya? May girlfriend kaya siya.

"Ako? Aayain mong magdate? Nahihibang ka na ba?" Tanong ko sakanya. Diretso lang ang mga mata niyang nakatingin sakin. Parang umurong ang tapang ko.

"Diyan ka na nga. Pinagtitripan mo lang naman ako" sabi ko at tinalikuran na siya

"Why is it hard for you to believe me?" Rinig kong bulong niya pero di ko na yun pinansin. Di ka kasi kapani-paniwala. Gustong gusto kong sabihin sakanya yun pero naglakad na lang ako paalis. Nagshower ako sa cr ng girls at muling nagbihis. Ihahatid ko na lang mamaya itong T-shirt at jogging pants niya.

"Hyra! Tara na! Dali!" Agad na hinila ni Ravie ang kamay ko pagkalabas ko pa lang ng cr.

"San tayo pupunta?" Takang tanong ko kay Ravie

"Diba nga kakausapin niya ako???" Napatango naman ako sa sinabi niya. Oo pala. Ngayon na pala yun.

Pagkarating namin sa plaza ay agad akong nagtago sa may malaking puno. Sa likod nun ay may round table na sa tingin ko ay pagpupwestuhan nila. Umupo na si Ravie at hinintay ang pagdating ni Yurenzo.

"Am I late?" Halos nahigit ko ang hininga ko ng marinig ko ang boses niya.

"Nope. Halos kakarating ko lang rin" sabi ni Ravie.

"Di na ako magpapaligoy ligoy pa. I want you to stay away from Hyra" mababakas sa boses ni Yurenzo ang diin sa bawat salitang sinabi niya. I heard Ravie's chuckle.

"I'm serious here, Ravie. If you're thinking that I'm only telling a joke here, kalimutan mo ng magkaibigan tayo" napalunok ako sa sinabing iyon ni Yurenzo. Tumigil naman sa paghalakhak si Ravie.

"And who are you to order me that?" Seryoso na rin ang boses ni Ravie. Anubayan. Para silang mga pulis kung mag-usap. Nakakakaba.

"Just do what I say" Sumilip ako sakanila at nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Yurenzo sa ilalim ng lamesa. Muli kong itinago ang ulo ko. Galit ba siya?

"Not gonna happen, Yurenzo. Kahit na ilang beses mo pang sabihin sakin, hinding hindi ko gagawin" mababa ang boses ni Ravie ng sabihin niya yun.

"Denchel's your girlfriend, right?" tanong ni Yurenzo na nakapagpatahimik kay Ravie.

"Well, I'll ask the same question for you, my dear friend. Aerich's your girlfriend, right?" Para akong nanigas ng itanong yun ni Ravie. Di ako makagalaw. Those words are like spells that prevent me from moving.

"I won't deny that fact" and those words are like knives to me. Gusto kong tumakbo paalis. But my mind keeps telling me to stay. Kaya wala akong ibang ginawa kundi ang hayaan siya na saktan ako through words.

"Then why telling me to stay away from her?" mapanuyang tanong ni Ravie.

"Because she'll only get hurt if she stays at your side! Mag-isip ka nga!" Tumaas na ng bahagya ang boses ni Yurenzo. Napapikit naman ako ng mariin.

"Same as you, Yurenzo" kalmadong saad ni Ravie. Napahinga ako ng malalim.

"Just please, stay away from her"

"Bat ko iiwan ang taong patuloy na nasasaktan sa taong walang ibang ginawa kundi ang patuloy na saktan siya?" seryosong sabi ni Ravie

"She's........ Hurt?" Halos pabulong na tanong ni Yurenzo. Siguro pag narinig ni Kin yan, paniguradong magmumura yun. At pag andito si Jee, kakaladkarin niya si Yurenzo at ibabalibag yun.

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now