Chapter 13

8 4 0
                                    

"S-saan ka matutulog?" Tanong ko nang palabas na siya ng kwarto niya pagtapos niyang kuhanin ang pinagkainan ko.

"Sa kwarto ni mom. Di siya uuwi ngayon eh" lumabas na siya. Wala na akong nagawa kundi ang humiga at matulog.

Kinabukasan

"Hey wake up" may tumapik tapik sa pisngi ko kaya iminulat ko na ang mga mata ko. And to my surprise, ang lapit ni Yurenzo sakin kaya agad akong nagtalukbong. Gamit ang hintuturo kong daliri ay tinanggal ko muna ang mga muta na nakapalibot sa mata ko at inamoy kung mabaho ba ang hininga ko. Well, di naman.

"Hey, come out" sabi niya. Ibinaba ko ang kumot hanggang sa ilong ko.

"Get ready, we'll go somewhere" sabi niya at lumabas na. May iniwan siyang paper bag sa kama na agad ko namang tinignan. Nice, mga damit ko. Langya yung lalaking yun, pumunta sa unit ko ng walang paalam? Pero okay na rin hehe.

Nang lumabas ako ay wala si Yurenzo sa sala. Pati rin sa kusina at sa kwarto ni tita ay wala siya.

Saan naman kaya nagpunta yun? Hmfft, balananga, babalik din lang naman siya. Paupo na sana ako sa sofa nang biglang bumukas ang pintuan.

"Yuren-- OHMYHOLLYFATHEROFA-" Agad na tinakpan ng isang lalaki ang bibig ng lalaki na sumigaw nun. Agad naman akong napatayo sa gulat. Who the hell are they!?

"Sino kayo!?/Who are you!?" Halos sabay lang namin na tanong. Nangunot ang noo ko. Sino ba sila!?

"Mga magnanakaw kayo no!?" Tanong ko na nagpagulat sakanila.

"Ang gwapo ko namang magnanakaw, miss!" Sabi nung lalaking nakasalamin kaya sinapok siya ng mga kasama niya. Biglang dumapo ang tingin ko sa lalaking nasa gilid at lalong nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya.

"IKAW!???" Sabi ko't tinuro pa siya. Nagtataka naman niya akong tinignan. And guess who??? Yung seatmate ko! SEATMATE!!!! Lagi na lang!

"Anong ako!?" Tanong niya.

"Anong ginagawa mo dito!? At sino ang mga unggoy na 'to!?" Tinuro ko ang mga kasama niya na ngayon ay mukhang naiinis na sakin.

"Kami nga dapat ang magtanong sayo niyan eh, anong ginagawa mo dito sa unit ni Yuren?" Di ko na siya nasagot nang may kumatok sa pintuan. Binuksan yun ng lalaki na naka puti at tumambad samin si Ravie na halatang nagulat din.

"Hyra, a-anong, g-ginagawa mo d-dito?" Tanong niya. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi at di mapigilan ang di manginig. Sheeps, anong sasabihin ko? Na dito ako natulog? Eh bakit? Anong dahilan? Kasi nasugatan ako kahapon at di na ako nahatid ni Yurenzo? Sheeps nasaan ba yung lalaking yun!????

"B-bakit nandito ka sa unit ni Y-yurenzo??" Nauutal na tanong niya. Pumasok siya sa loob at pinasadahan ng tingin ang limang lalaki na ngayon ay naguguluhan na sa nangyayari. Teka, wala rin akong maintindihan! Sino ba ang mga ito!?

"A-ano..." Walang ibang salita na lumabas sa bibig ko kundi yan lang. Wala akong masabi, sa gulat at nerbiyos.

"Hey Hyra, I brought---" sabay sabay kaming napalingon sa pintuan at ang gulat na mukha ni Yurenzo ang tumambad samin kasabay nun ay ang pagkahulog ng paper bag sa sahig.

Katahimikan

Wala ni isa ang gustong magsalita samin. Kaya naman may naisip na akong paraan. Huminga ako ng malalim at agad na tumakbo palabas ng pintuan

"Uwi na ako bye!" Yan ang huli kong sinabi bago lumabas ng building niya. Nang makarating ako sa unit ko ay agad ko itong ni-lock at napaupo na lang sa sahig.

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now