Chapter 18

9 3 0
                                    

Walang umiimik saming dalawa. Nang tumigil ang taxi ay binuksan ko na ito. Papasok na sana ako sa condo unit ko ng magsalita si Yurenzo.

"Sinabi ko lang yun para magtigil na kayo sa kakaaway sa isa't isa. I didn't mean it" sabi niya. Nangunot ang noo ko at di ko na napigilan ang sarili na masaktan.

"Okay lang. Di naman ako umasa" sabi ko at ngumiti sakanya saka pumasok.

Pagpasok ko sa unit ko ay tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad. Oo, umasa ako!

Ang tanga tanga ko naman kasi eh! Nagpaniwala agad ako. Bakit di ko naisip yun? Na sinabi niya lang yun para matigil kami ni Aerich sa pag-aaway. Napakatanga ko talaga.

Kinabukasan

Pagpasok ko ng classroom ay nakaharang ang basura sa pintuan. Napairap na lang ako atsaka hinampas ko sa tiyan niya ang bag ko.

"Ah! Andiyan ka na pala Hyra? Di kita nakita eh, good morning" sabi niya na nakangiwi ang mukha ngunit may ngiting nakapaskil dun habang hawak hawak niya ang tiyan niya na natamaan ng bag ko. Lumingon ako at kunyare ay nagulat dahil nakita siya dun

"Oh! Andiyan ka pala Aerich! Kala ko yung trash can yung nakaharang, ikaw pala" nakangisi kong sabi sakanya. Nagsalubong ang kilay niya kaya di ko na siya pinansin. Umupo na ako sa upuan ko at sinamaan ng tingin ang katabi ko na tumatawa.

"Ayos! Hahaha!!! Gandang pambungad ah! Hahaha!!" Napahampas pa siya sa desk niya dahil sa tawa niya. Di ko na lang siya pinansin at nagcell phone na lang.

Dumating na ang prof namin kaya umayos na kaming lahat.

After ng tatlong subjects ay lunch na. And as usual ay si Ravie na ang kasa-kasama ko instead of Yurenzo. Napairap na lang ako ng makita sila na magkasama ni Aerich na bumili ng pagkain sa Jollibee katapat lang ng univ namin. Napansin yun ni Ravie kaya tinawanan niya ako.

"Ang epic ng mukha mo Yra, hahaha" tinuro niya pa ang mukha ko at tumawa ng malakas

"Buset ka! Di ka nakakatulong!" Bulyaw ko sakanya atsaka siya hinampas. Tuloy lang siya sa pagtawa kaya iniwanan ko na siya dun. Balasiya!

"Uy! Teka lang!" tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya na nagpipigil ng tawa.

"Masyado kang high blood" sabi niya at inakbayan ako. Tinignan ko lang siya at di na pinansin pa.

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay pumunta na ako sa next kong subject. Medyo late ako kaya wala na akong choice sa pagpili ng upuan, sa tabi ni Yurenzo. Tahimik lang kaming dalawa habang nakikinig sa tinuturo ng prof namin. Ang awkward at nakakailang talaga.

Yung feeling kasi na close na close kayo dati tapos ngayon, bigla na lang nawala closeness niyo dahil lang isang babae at dahil lang sa hindi ko pagpaalam sakanya na uuwi. Haaaaay, nasayang yung samahan naming dalawa dahil lang dun.

"Miss Sy? Mukhang wala ata sa klase ko ang atensyon mo?"

Napapitlag ako sa gulat dahil sa sinabi ng prof namin. Napatingin ako sa mga kaklase ko na halos nasa akin ang tingin, napayuko ako sa kahihiyan.

"Get out of my class. Teaching here in this class with a student like you is a nightmare" sabi nito at mataray na tumalikod sakin. I shot a death glare on her back bago kinuha ang bag ko at lumabas. Bwisit na prof yun. Parang ang galing naman niyang magturo.

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now