Chapter 27

9 2 0
                                    

Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko ng bumukas ang pintuan ng kwarto na pinagtutulugan ko.

"Are you okay?" Tanong ni Kin at umupo sa tabi ko.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na oo?" Tanong ko sakanya pabalik at di ko na pinigilan ang pagtulo ng luha ko. Napahikbi ako.

"Hindi. Sa lagay na yan? Okay ka?" Napayuko ako.

"Why asking me then?" I saw a smile formed on her lips. A sad one.

"I was just testing if you'll tell me the truth or not" sabi niya at niyakap ako.

"And iba ang sinagot mo sa tanong ko kaya I assume that your answer is 'yes'" sabi niya ulit. Hinimas niya ang likod ko kaya mas lalo akong napaiyak.

"And it means ayaw mong pag-usapan ang taong naging dahilan kung bakit ka umiiyak ngayon, so I won't ask" di na ako umimik at tahimik na umiyak. Ang sakit eh. Hinalikan niya si Aerich. At di man lang niya sinabi sakin na sila na pala. So ano? Pinapafall niya ako? Tapos si Moe, papaasahin niya lang? Kala ko ba mahal niya ang pinsan ko? Putek siya.

"He kissed Aerich" sabi ko between my sobs. Mas lalo akong napaiyak dahil sumagi sa isip ko yung nangyari talaga kanina. Ayaw ko ng alalahanin but it keeps on flashing back in my mind.

"That jerk" Kin hissed and utter a cuss.

"Shhh, divert your attention to others. Not to that piece of shit. Enzo's on your side" di pa man ako nakakapagsalita ay tinapik na niya ako sa balikat.

"Sleep now, unnie. Ipapaayos ko na lang mga gamit mo kela manang. We'll leave this island first thing in the morning. Oyasumi" sabi niya at muli akong ginawaran ng isang yakap. Pagkahiga ko ay agad akong nakatulog.

"Sorry"

I heard someone said that but I didn't bother to open my eyes. Ignore him, Hyra. Just like what he did a couple of hours ago.

Nang maramdaman ko ng wala na siya ay nagtuloy tuloy na nga ang tulog ko.

~•~

I woke up early. 3:30 am. I decided to go downstairs to get some water. But as I make my way to the kitchen, I heard voices.

Sinilip ko kung tao ba yun o multo. And I was surprised ng makita ko ang lima kong kaibigan na may kausap na lalaki. Nakatalikod ito sa sakin kaya di ko siya mamukhaan at dim din yung lights.

"Anatawa baka-desu" rinig kong sabi ni Kin sa lalaki at mababakas mo dun ang pagkainis sa boses niya

"I know" mahinang saad naman ng lalaki.

"So ano? What's your next plan?" Seryosong tanong ni Jee.

"I don't know. I'll just stick with my previous plan"

Rinig ko ang pagbuntong hininga nilang lahat. Umalis na ako dun dahil pakiramdam ko ay ang bastos ko na dahil nakikinig ako sa usapan nila. Muli akong humiga sa kama at tinitigan ang kisame. Agad na dumapo ang tingin ko sa pintuan dahil bumukas yun.

"Glad that you wake up early" nakangiting saad ni Cha sakin. I smiled back to her and got up from my bed.

"Aalis na ba tayo?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya.

"Ewan ko sa mga yun. May aasikasuhin pa daw eh" sabi niya at muling ngumiti. This is what I love about this girl. Kahit na may problema siya ay nakangiti pa rin siya.

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now