Chapter 11

10 5 4
                                    

Sabay sabay kaming nagtungo papunta sa next sub namin. Di ako pinapansin ni Yurenzo. I wonder why. Eh ako nga dapat ang wag pumansin sakanya kasi dahil sakanya muntik na kaming malate eh. Tapos ngayon siya itong may lakas ng loob na isnobin ako? Wow lang ah. Gusto niya ng walang pansinan? Edi sige. Madali akong kausap. As if naman na susuyuin ko siya

"Hyra okay ka lang? Putol na yang ball pen mo oh" napalingon ako sa katabi ko at napatingin sa ball pen ko. Tama siya, putol na nga. Dahil siguro sa gigil ko. Naglabas na lang ulit ako ng bago at sinubukang mag concentrate sa tinuturo ng prof namin pero di sinasadya ng mata ko na mapatingin sa gawi nila Moe at Yurenzo na nag-uusap ata dahil bahagyang ngumingiti si Moe. Nagsalubong ang kilay ko. Di ko man marinig ang pinag-uusapan nila dahil nasa kabilang row namin sila at isang upuan muna bago ang kanila pero nanggagaliti ako. Ewan ko lang kung bakit.

Jealous?

Selos nga ba? Pero bat naiinis din ako kay Yurenzo? Yung parang gusto ko siyang ipa-assassinate.

Muli akong tumingin sa harap at pinilit na magconcentrate sa dinidiscuss ng prof namin pero labis talaga akong nababagabag sa pinag-uusapan nilang dalawa kaya tumingin ulit ako sa kanilang dalawa.

Nagsalubong ang mga kilay ko ng lumapit si Moe kay Yurenzo at may binulong ito. Pansin ko ang unti-unting paglingon ni Yurenzo sa direksyon ko pero may binulong ulit si Moe na dahilan kung bakit dun tumigil ang tingin niya.

Dapat ako yung titignan niya eh! Epal ka Moe! Epaaaaaaaaaaal

Sa inis na naramdaman ko ay bigla akong tumayo. Napatingin sakin ang lahat. Tinignan ko ang professor namin na may seryosong mukha.

"Is there any problem, Ms. Sy?" Tanong nito sakin. Itinuro ko ang gawi nila Moe nang di sila tinitignan.

"Prof naglalandian sila, di ako makapag-concentrate" sabi ko. Tahimik lang ang lahat. Walang gustong magsalita. Tinignan ko ang dalawa. Si Moe na gulat na gulat na kahit ang magsalita ay di niya magawa at si Yurenzo na matalim ang tingin sakin. Di ko yun pinansin at tinignan ng mariin si Prof

"I want them to be out on your class, please" dahil sa sinabi ko ay agad na tumayo si Moe.

"Prof! Di naman---" di na siya pinatapos ni prof kaya nanahimik na lang siya

"No, Ms. Lim. Ms. Sy is right. The two of you, get out of my class and come back if you're done flirting" sabi ni sir. Tinignan ko si Yurenzo na tahimik na kinuha ang bag niya pati na rin ang kay Moe. Tinignan niya ako at mukhang sinadya na sa harap ko dumaan.

"Way to go, Hyra. That's so nice of you" sabi niya at lumabas ng classroom na di ako tinatapunan ng tingin. Dapat ay maging masaya ako dahil wala na sila. Wala ng distraction. And besides, tama lang naman ang ginawa ko. But, why do I feel so bad?

~•~

"Hyra? You okay? You haven't touched your for yet. Something bothering you?" Tanong ni Ravie sakin. Ngumiti ako sakanya at umiling.

"Napapaisip lang ako kung bakit nila tinawag na lemon square ito eh bilog naman" sabi ko na nagpatawa sakanya. Pati ako ay Natawa dahil na rin siguro sa tanong ko. Pero who am I kidding? Yurenzo's probably mad at me and that really bothers me.

"You really are, a one of a kind" sabi ni Ravie na nagpatigil sakin sa pagtawa

"You think I am?" Tanong ko. Agad naman siyang tumango.

"Yeah. Ikaw yung tipo ng babae na kayang pasayahin ang kahit sino. Your surname's powerful but you didn't use it to control everything that surrounds you, you acted like a normal student but in reality, you're not" halo halong emosyon ang nararamdaman ko ng sinabi niya yun sakin. Yeah. He's right. Our family owned a lot of business here. Pero I still act like a normal college girl with a normal life. Ayaw ko sa mga fancy things. Actually, kaming magbabarkada ay ayaw sa mga fancy things. Galing man kami sa mga mayayamang pamilya, di naman kami umaayon sa estado ng buhay namin. Yes, we're rich and powerful but we don't act like one.

"Thanks for that compliment, Ravie" sabi ko. Wala na akong ibang masabi kundi ang magpasalamat sakanya.

"It's not a compliment, I'm just stating the fact" sabi niya ulit. Wala na akong ibang masabi kaya nginitian ko na lang siya. Inubos ko na ang pagkain ko at nagtungo sa next class ko.

Natapos ang klase ng di ko nakikita si Moe at si Yurenzo. Masama pa rin siguro ang loob nila sakin.

"There you are" lilingunin ko pa lang sana ang nagsalita ngunit nahila na niya ako.

"Yurenzo" gulat na gulat kong tawag sakanya. Nangunot ang noo niya dahil sa boses ko.

"O? Bat gulat na gulat ka?" Umiling ako at hinila ang kamay ko sakanya.

"I've been looking for you" simpleng salita na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Pinakiramdaman ko yun, ang bilis, ang lakas. Dahil ba sa nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot sa likod? Baka yun nga. O baka naman, iba lang talaga ang nararamdaman ko sakanya?

"Let's go, I'll treat you" muli ay hinila niya ang kamay ko. Nagpatianod na lang ako sakanya at hinayaan ang kamay ko na hawak niya. Ewan, nagugustuhan ko na ang paghawak niya sa kamay ko. Haha, ang adik ko na. Pero seriously, parang iba na talaga ang nararamdaman ko sakanya. I should ask them about this feeling.

~•~

"I thought you were mad at me" sabi ko kay Yurenzo na ngayon ay nakatingin na sakin. Nangunot ang noo niya.

"Why would I be?" Takang tanong niya sakin.

"Dahil sa kanina. Diba ako ang dahilan kung bakit kayo pinalabas sa room? Sinabi ko pa na naglalandian kayo but in fact, hindi, nag-uusap lang" sabi ko in a low tone kasi nahihiya ako sa ginawa ko sakanila kanina. Ako lang naman yung may ayaw na makita silang dalawa na nagbubulungan. Sakit kasi nila sa mata eh.

"Nope. I'm not. Thankful pa nga ako eh" nilingon ko siya. Thankful? For what?

"What you've done is amazingly wonderful, that's why, I should treat you for doing that" bumili siya ng ice cream. A part of me is happy because he's not mad. But some part of me regrets what I did to them.

"Here" he smiled.

Wow. Love can really change you. Dati ay di man lang siya ngumiti but now? He's smiling, because of Moe. The one and only girl that he only sees.

I don't know but it really hurts me so damn much

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now