Chapter 25

6 8 2
                                    

Lutang ang isip ko magdamag habang pauwi sa bahay nila Heily. Sino ba ang tinutukoy ni Yurenzo? Si Moe ba yung sisirain niya tapos si Aerich yung liligawan niya? O baliktad? Aish! Ang hirap mag-isip!

"San ka galing?" Tanong sakin ni Rhiel.

"Sa dalampasigan. Naglakad lakad lang" sabi ko at nagtuloy tuloy sa pagpasok.

"Tara! Laro tayo ng volleyball" aya ni Heily. Naexcite naman ako kaya sumama ako sakanila.

Naka T-shirt at jogging pants lang kami. Di kasi kami nahilig sa maikling shorts, lalo na sa bikini or two piece. Like, yuck!? Ang pangit kayang tignan pag ganun ang suot na pupunta sa beach. Parang magbebenta ng katawan, tsk tsk.

Matapos nilang ikabit ang net ay pumili na kami ng mga kagroup namin. Kagroup ko si Cha at Kin. Tapos si Jee naman ay kagroup si Heily at Rhiel.

"Kaw muna magserve, Cha" sabi ko. Tumango naman siya at sinerve na ang bola. Pumasok ito sa kabilang net at pinagpasa-pasahan lang namin. Nagtuloy tuloy lang ang laro hanggang sa mapagod kami.

"Pahinga muna tayo" suhestiyon ko. Kita ko na rin sa mukha nila ang pagod kaya naupo kami. Tumitingin lang ako sa daan ng may maisip akong kalokohan. Padaan kasi ang basura sa gawi namin kaya agad kong kinuha ang bola. Nagtataka ang lima pero nginitian ko lang sila.

Hinintay kong makadaan si Aerich sa harap naman kaya naman bumwelo na ako at tumalon sa ere saka inispike ang bola papunta sa direksyon ni Aerich.

Di ako nagkamali at tumama yun sa ulo niya.

Sapul! Hahahaha!!!!!

Di naman malakas ang pagkakatama ko sakanya pero bat siya napahiga? Hmmm, never mind.

"Unnie!!!!!!!!!" Tawag sakin ng ng lima kaya naman tumakbo ako. Napadaan ako sa harap ni Aerich na nakahiga pa rin. Pfft. Ang arte naman neto. Papansin putek.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang tumatawa. Masama ba ang ginawa ko? Di naman ah. Sadyang papansin lang talaga ang babaeng yun kaya siya nakahiga dun. Edi humiga siya magdamag. Pake ko haha!

"Wohoooo!!!" Sigaw ko at mas nilakasan pa ang tawa. Nilingon ko ang lima na humahabol sakin at binelatan sila. Nakabawi rin ako sa basurang yun, hehe.

"Unnie! Watch out!" sigaw nila pero bumelat pa rin ako.

"Tse! Di niyo ako maloloko---" natigil ako sa pagsasalita ng may mabangga ako. Malakas ang pagkakabangga ko kaya napaupo ako sa buhangin. Papikit pikit ang mata ko at tila ba umiikot ang paligid. Napangiti ako dahil parang may nakita akong maganda.

"A-ang ganda mo, haha! Sheeeps ang adik ko na" sabi ko at sinapo ang ulo ko. May humawak sa balikat ko at itinayo ako saka niya ako isinakay sa likod niya.

"Ang bangooooooo!!!! Hmmmmmm!!!!" Niyakap ko sa leeg ang taong bumuhat sakin at inamoy amoy ito. Ang bango niya!!!!

"S-shit" parang nanghihinang sabi niya. Ngumiti ako habang nakadikit pa rin sa leeg niya ang labi ko. Ramdam ko ang pagkislot niya kaya inabot ko ang pwet niya at pinalo.

"Dali na! Lakad!" Utos ko at niyakap siya ng mahigpit sa leeg.

"Ako ng bahala" rinig kong sabi ng kung sino bago ako mawalan ng malay.

NAGISING ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Nag-alarm, hehe.

"You're awake" napatingin ako sa nagsalita. Ay? Di ba halata?

Complete Opposite✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora