Chapter 14

14 4 4
                                    

What the hell!?

"Hyra? Okay ka lang?" I just nod as I watch Yurenzo walked away. Did he sent me that message? Eh bakit "kaya pala"??? Anong meron dun? Tapos nakita ko na lang siya na tumalikod samin habang mariin ang pagkakahawak niya sa cellphone niya at naglalakad paalis.

Is he jealous?

No. Why would he be?

Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Napangiti ako sa isipan kong nagseselos nga siya. Pero anong dahilan? Bakit? Nagpakita na ba siya ng affection niya sakin? Or maybe di niya pa pinapakita kasi alam niya wala siyang pag-asa sakin? Aish! Assume pa more Hyra. Masyadong advance mag-isip.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid na niya ako sa unit ko.

Binuksan ko ang bintana ko at magdamag na hinintay na bumukas ang bintana ni Yurenzo. Alas dies na ng gabi pero di pa rin iyon bumubukas. I guess I just wait for the morning to come, huh?

Wala na nga akong nagawa kundi ang isara ang bintana ko at nagtungo sa kama ko at natulog

Morning.....

It's almost class hours, but here I am, still waiting for him to fetch me. Ilang beses ko na ring tinignan ang bintana niya pero di pa rin yun bumubukas. Should I go without him? Di naman siguro ako mawawala kung di ko siya kasama sa pagpasok, right? Nag-umpisa na akong maglakad palabas ng unit ko at agad na pumara ng taxi. Haay, first time ko na papasok ako ng school na di siya kasama ah. Nakakapanibago. Di ako sanay. Ano kayang problema nun? Bat di niya sabihin sakin? Magkaibi--- ah, oo pala.

Nang makarating ako ay second sub na. Umupo na ako sa bakanteng upuan at di pinansin ang pagbati sakin ni Moe. Tinignan ko ang upuan ni Yurenzo. Nakayuko lang siya at parang di niya naramdaman ang presensya kong pumasok sa room. Umupo na lang ako at nakinig sa klase kahit na di ako makapag-concentrate dahil sa bigla na lang di pagpansin sakin ni Yurenzo.

"Bat di kayo sabay?" Tanong sakin ni Ravie nang papunta na kami sa susunod naming klase.

"Huh? Nino?" Tanong ko kahit na alam ko na kung sino ang tinutukoy niya. Napabuntong hininga lang siya at umiling. Habang naglalakad ay bigla na lang niya akong inakbayan. At may binulong sakin.

"Wag kang magpumiglas"  yan ang sabi niya kaya di na ako umimik. Ano naman kayang trip ng lalaking to? At bakit---

"Yurenzo! Sabay ka na samin" sigaw ni Ravie kaya napalingon ako sa harap at yun, si Yurenzo nga. Nakatingin samin. Biglang dumapo ang tingin niya sa kamay ni Ravie na nakaakbay sakin at muling binalik ang malamig niyang tingin kay Ravie. 

"I'm with someone" sabi niya at bigla na lang may tumabi sa kanyang babae. Maganda siya. Matangkad. At mukhang model. Sino ba siya?

"Oh! Aerich! Dito ka na rin ba mag-aaral???" Naglakad kami papalapit sa pwesto nila. Aerich huh?

"Ah, oo. BTW, Ravie si Yurenzo nga pala, kaklase ko sa isa kong sub. Tinutour niya ako para di ako maligaw" pati boses niya, ang ganda. Wow. Bagay sila ni Yurenzo. Malungkot akong napangiti dahil dun kaya yumuko ako.

"Yeah. He's my pal" sabi ni Ravie na mukhang nagpagulat dun sa Aerich.

"Magkaibigan pala kayo? Great then!" At ngumiti siya ng malapad. Bwisit, parang ngiting plastik. Sarap tanggalin lahat ngipin niya.

"And who's that girl?" Tinuro niya ako. Mariin ang pagkakatingin ko sakanya dahil mukhang ang baba ng tingin niya sakin.

"She's Hyra Sy, my friend" walang pag-aalinlangang sabi ni Ravie at mas hinigpitan pa ang pagkaka-akbay sakin. Mukha namang namutla si Aerich ngunit nakangiti pa rin ito. Plastic talaga ang Putek

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now