Chapter 7

8 5 2
                                    

"Talaga? Para sakin?" Tumango tango ako at pilit na ngumiti. Dapat nga para sakin yan eh.

"Oo, nagbake kasi si Yurenzo eh di namin naubos, tapos naisip kita kaya yan, sayo na" sabi ko sakanya at inabot sa kanya yung paper bag na may lamang cookies. Grrr Yurenzo humanda ka talaga sakin. Pinagtakpan na kita! Dapat ako rin. Ang daya niya.

"Sige, pasabi na lang salamat" ngumiti ito at umalis na. Ako ay tumambay muna dito at umorder para di ako palayasin.

"Hi" Iniangat ko ang tingin ko sa nagsalita. It's Ravie. May inilapag siyang paper bag sa harap ko at umupo sa katapat kong upuan. Pinagsiklop niya ang dalawa niyang kamay na nakapatong sa mesa at nakangiti akong tinignan

"For you" sabi niya. Inilapit niya pa ang paper bag sa akin at ngumiti ulit.

"Yurenzo gave me cookies, but I don't eat cookies, so the first thing that came up on my mind who loves eating sweets is, you" nahihiya kong kinuha iyon at itinabi sa tabi ko.

"So uh, do you want to hang out with me?" Tanong niya na ikinagulat ko. Why all of the sudden? Inutos ba ito ni Yurenzo? Hehe, siguro nakonsensya siya sa pagsabi sakin ng nakakahiya ako kanina kaya niya sinabi kay Ravie na samahan ako, hehe.

"Sure!" Di ko na inabalang ubusin ang inorder ko dahil mas masarap sa feeling pag kasama ko si Ravie kaya lumabas na kami. Lakad lang kami ng lakad. Walang nagsasalita samin.

Anubayan, ang awkward tuloy


"Uh, Ravie? Uhm, may sinabi ba si Yurenzo sayo pagkatapos niyang ibigay yung cookies?" Tanong ko. Curious ako eh. Baka mamaya kasi makahalata na si Ravie. O edi nasira na plano namin ni Yurenzo.

"Wala naman. He just gave me those and left" napatango tango naman ako. So di niya inutos na samahan ako? Nagkusa siya! Yes!!!! Sign na ba 'to? Thank you looooooord

"So uhm, Hyra, can you do me a favor?" Lumingon ako sakanya ng nakangiti. Kahit ano Ravie, gagawin ko.

"Pwedeng, uhm, pwedeng sabihin mo kay Denchel na kami ang magpartner bukas sa activity natin?" unti unting nawala ang ngiti ko. Kunti na lang talaga isusumpa ko na si Prof Alejandro dahil every Friday ay may ipapa-activity siya samin. Bukas magbabasketball daw kami. Duh!? College na kaya kami! Tapos basketball? Tuturuan daw niya kami ng basics. Tch. Grabe katamad kaya.

"A-ah, sige" iniiwas ko na ang tingin ko sakanya at itinuon ang tingin sa daan.


"Naghihinala na talaga ako sa inyong dalawa ni Yurenzo, di naman kasi kayo in a secret relationship, diba?" Umiling ako sa tanong niya ng di siya tinitignan. Ewan. Masakit yung sinabi niya. Kala ko, may pag-asa na ako, yun pala, kaya niya ako nilalapitan ay dahil may kailangan siya sakin. Mapait akong napangiti.



"Hey, you alright?" Tanong niya. Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sakanya. Tumigil kami sa gilid ng kalsada at iniangat niya ang mukha ko sakanya. Tinitigan niya akong mabuti. Ako naman ay naging malikot ang mata. Di ko siya magawang titigan ng ganito kalapit.



"Did I, say something wrong?" Tanong niya ulit. Umiling ako. Sana di niya mahalata na kanina pa ako di makahinga dahil sa paghawak niya sa pisngi ko at pagtitig sa mata ko.


"Talk to me Hyra" mas lalong kumabog ang puso ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. Ewan ko! Bakit ba ganito ang epekto niya sakin!?


Complete Opposite✔Where stories live. Discover now