Chapter 26

5 2 0
                                    

Naamlipungatan ako dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sakin. At di nga ako nagkamali, dahil sa katapat ng kama na hinihigaan ko ay may sofa at doon prenteng nakaupo ang isang lalaki na dahilan ng pagtibok ng puso ko ng sobrang lakas.

"Why did you get up? Go back to sleep" sabi niya at nag-cross arms. Napalunok ako at muling humiga. Ipinikit ko ang aking mga mata pero di talaga ako makapagconcentrate kaya bumangon ulit ako. Kunot noo niya akong tinignan.

"A-ah, di na ako makatulog" sabi ko. Napatayo naman siya at lumapit sakin. Napaurong naman ako papunta sa gilid ng kama at dun naman siya pumwesto. Hinila niya ako at inihiga niya ako sa bisig niya. Gamit ang isa niyang kamay ay ipinanyakap niya sakin. Dinaganan niya rin ang dalawang binti ko gamit ang kaliwang binti niya kaya ang kinalabasan, para niya akong kinulong sakanya. Namula ako dahil sa posisyon namin.

"What?" Tanong niya ng gumalaw ako. Umiling ako at isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya. Tsansing na kung tsansing pero wala akong pake, chance ko na eh. Ang bango niya pa. Haha.

"Sleep now, I won't leave you" sabi niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Di na umalis ang labi niya dun kaya nakatulog ako na may ngiti sa labi.

NAPABALIKWAS ako ng bangon. Wala akong katabi.

Panaginip lang ba yun?

Niyakap ko ang sarili at pinakiramdaman ang paligid. Wala siya.

Baka nga panaginip lang yun. Bumangon na ako at dumiretso sa kusina at kumain na ng breakfast. Di nag-usisa yung lima kung bakit tahimik ako habang kumain kaya nakalabas ako sa bahay nila Heily na walang tanong galing sakanila.

"Hey, how's your sleep?" tanong ni Yurenzo at tumabi sakin sa buhanginan habang pinagmamasdan ang mga taong naliligo agad sa dagat.

"Better" maikling sagot ko. Wews.

"Ang init dito, dun tayo" di pa man ako nakakapagsalita ay hinila na niya agad ako. Umupo kami sa lilim ng isang puno.

"Dun ka ba natulog sa tabi ko kagabi?" Walang pag-aalinlangang tanong ko. Tumingin ako sakanya na nakangisi. Tumango siya kaya napangiti ako.

"Sorry kung nagising ka na wala ako sa tabi mo, baka maabutan ako dun ng mga kaibigan mo eh" sabi niya at hinila ako palapit sakanya tsaka niyakap mula sa likod ko. Isinandal ko ang likod ng ulo ko sa dibdib niya.

"Bakit mo ginagawa 'to?" Tanong ko sakanya. Hinigpitan niya lang ang yakap niya sakin.

"Kasi pagkatapos nito, balik ulit tayo sa dati" nagtataka ko siyang nilingon. Ngumiti lang siya.

"Mag-enjoy na lang tayo" sabi niya at tumayo.

"Okay lezzgo!" Masigla kong sabi at tumayo.

"Careful" sabi niya at inalalayan ako. Wow, over protective siya ah.

Tumingala ako. At nangningning ang mga mata ko sa nakita ko. Ogash may Mangga!

"Yurenzo!" Sigaw ko habang nakaturo sa parte nang puno na may bunga.

"I want. Hehe" sabi ko. Nakangisi niyang niyakap ang puno at umakyat. Lakadiyan baka madulas!

"Mag-sungkit ka na lang!" Sabi ko at hinila ang paa niya. "I don't want" maangas niyang sabi.

"Baka mahulog ka" nag-aalala kong sabi.

"It's okay if I fall as long as it's you who'll catch me" di na ako nagsalita at hinayaan na lang siya umakyat saka kumuha ng mangga. Tatlo ang nakuha niya. Balak pa nga niyang dagdagan pero sabi ko tama na. Baka kasi mahulog pa siya eh

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now