Chapter 2

18 6 0
                                    

"Ayos ka na ba dito?" Tanong sakin ni mama. Pinasadahan ko naman ang condo na kakabili lang nila sakin. Maluwang ito. Sa sala ay may sofa at sa gitna nun ay may coffee table. Sa harap ng sofa ay may flat screen TV.

"Okay na po" sabi ko at hinalikan si mama sa pisngi. Kinuha ko na ang mga bagahe ko at ipinasok sa kwarto. Ayos! Ang luwang ng kama ko! Hehe, makakatulog ako ng maayos.

"Bukas na lang kita aayusin ah? Pagod pa ako eh. Tsaka tinatamad. Hehe" sabi ko sa mga bagahe ko atsaka agad na humiga sa kama.

*dingdong*

Tsk! Sino ba ang istorbong yun?

*dingdong*

Ahhhh!!! Kainis! Bahala siya diyan! Istorbo!

*dingdong*

Putek naman oh!

Maya maya ay di na ulit nagring yung doorbell. Buti naman. Pagod pa ako eh. Katamad.


~•~

6:00 AM

Haaaaay! Good morning world!!!!! Gising na ang cute na si Hyra! Hehe.

*bzzzt*bzzzt*

"Hello?"

[Unnie!!!! Andito na kami! Dalian mo!"] Si Cha. Eh? Kagigising ko lang

"Teka lang. Di pa ako naliligo" binaba ko na ang tawag at nagpunta ng banyo. Pagkatapos ay nagbihis then ready to go na!

Paglabas ko ng building ay pumara na agad ako ng taxi. Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay may nauna na.

"Pasensya na miss! Late na ko" sabi ng lalaki kaya umalis na yung taxi. Huh! Kabwisit ah! Ako nauna eh! Pasalamat yung lalaki at nakaalis siya agad! Kung hindi nakuuuuu!!!! Humanda siya sakin!

Habang nagwawala ako dito sa may gilid ng kalsada ay naramdaman kong may nakatingin sakin. Pagkalingon ko ay may nakatingin nga. Nasa may harap siya ng katabing building ng condo unit ko.

=__=

Bat ganun siya makatingin? Ngayon lang ba siya nakakita ng cute? Aba, ang gwapo gwapo ignorante naman. Pinanliitan ko siya ng mata. Ganun pa rin, di siya natitinag. Ano bang meron? Bakit siya nakatingin? Iniiwas ko na lang ang tingin ko sakanya.

"Grabe unnie! Ang tagal mo ah!" Bungad nila sakin pagdating ko sa university.

"Bwisit kasi yung lalaki, inunahan ako sa taxi. Yan tuloy"

"Yaan mo na. Tara na" nagpunta na kami sa building namin.

~•~

Putek! Sa dinami dami pa ng magiging katabi, bakit yung nakaagaw ko pa sa taxi?

"Hi, sorry pala kanina. Hehe" di ko na lang siya pinansin. Napalingon na lang ako sa pintuan. At saktong pagpasok naman ng isang gwapong lalaki.

Ang gwapoooooooo

Wait. Pamilyar siya sakin!


Ah! Oo! Siya yun! Yung highschool crush ko ^__^

Si Ravie Otterson.

Haaaaay, ganun pa rin. Ang gwapo niya pa rin.

"Hi, may nakaupo na dito?" Tinignan ko yung nagsalita. Babae siya. Maikli ang buhok. Mukha siyang natigilan. Teka, nacutan ba siya sakin?

Complete Opposite✔Where stories live. Discover now