Chapter 29

6 3 0
                                    

"Yurenzo, ano ba!?" Inis na sigaw ko sakanya. Mabilis siyang maglakad at feeling ko ay magkakapasa na ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa pulso ko.

"Yurenzo, tumigil ka nga!" Pero di niya pa rin ako pinansin. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

"Masakit na, ano ba!?" Dun na siya tumigil. Nilingon niya ako. Nakakatakot ang awra niya. Para niya akong sasapakin na ewan.

"You're not dating him?" Medyo kalmadong tanong niya sakin.

"Oo!" Inis kong sagot sakanya.

"Then why didn't you tell me!?" Tumaas na ang boses niya.

"And why would I!? Am I obligated to tell you all the happenings in my life!? Hindi, diba!?" Pagalit na sabi ko sakanya. Galit ako, oo. Sobra na kasi siya eh. Nanira siya ng date! Pinahiya niya sarili niya! And worst, sinaktan niya yung taong walang ginagawang masama sakanya!

"But you could at least tell me! Magkaibigan din tayo, Hyra!" Natawa ako sa sinabi niya. Magkaibigan?

"Magkaibigan? Sa lagay na to magkaibigan tayo!? Nagpapatawa ka ba!?" Medyo tumawa pa ako dun.

"Oo! You made my day happy and--" di ko na siya pinatapos na magsalita.

"Stop with that kind of words, Yurenzo. Be careful what you'll say to me" mababa ang tono ko ng sabihin ko yun. Yung parang nagbabanta, ganun.

"It's true!" Depensa naman niya. Di ko napigilan ang sarili ko na tumawa ng malakas.

"Nagbago ka na, Yurenzo. Joker ka na rin ngayon?" Tanong ko. Di siya umimik. Napangisi ako at nagsimula ng maglakad palayo sakanya.

Nilingon ko siya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

"May Aerich ka na, guguluhin mo pa ako? Ano? Kulang ba siya?" tanong ko. Blangko lang ang ekspresyon niya habang nakatingin sakin. Di ko tuloy alam kung galit b siya ngayon o ano. Umiling na lang ako at muling naglakad. Pumara ako ng taxi at umuwi na. Bwisit na araw 'to. Pero napaisip ako.

Ang mature ko na, shet.

~•~

"Sorry sa nangyari kahapon, Ravs" Paghingi ko ng sorry kay Ravie na may bandage sa gilid labi niya at gilid ng mata niya. Ngumiti naman siya sakin.

"You're not the one who should say that" mahinang sabi niya sakin.

"Kahit na. I'm still sorry because I was there watching you two" nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Pati nga rin ako naguluhan sa sinabi ko kaya naman napatawa na lang ako.

"Nga pala, gusto akong makausap ni Yurenzo bukas nga hapon. Might as well come with me" seryosong saad ni Ravie.

"S-sige..." Kinakabahang sabi ko.

"Pero wag kang magpapakita, magtago ka lang" tumango ako. Bat naman kaya siya kakausapin ni Yurenzo? Nababaliw na ba siya?

Aerich's POV

I playfully smiled as I saw Hyra taking glances to my Yuren. Ugh, that kid sure is a desperate one. Pinagtabuyan na nga siya o! Tapos lapit pa rin ng lapit.

"Hey, what are you thinking?" Napangiti ako ng maramdaman ko ang dalawang bisig ni Yuren na pumupulupot sa bewang ko. This guy really loves me, huh?

"Hulaan mo" I sweetly told him. Pinaharap niya ako sakanya at ngumiti siya.

"You naughty girl. Is it me?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya ang gave him a smack kiss. He smiled even more because of what I did

Complete Opposite✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora