Her POVTakip-takip ko ang tenga ko habang nakaharap sa magulang ko,
"ELAINE! WHAT HAVE YOU DONE?" Sigaw ng nanay kong daig pang naka mega phone sa lakas ng sigaw.
"Ahm," 'yan nalang ang nasabi ko.
"EXPLAIN ELAINE SAPPHIRE MONTERNEL!"
"Ano po kasi, gani---"
"HINDI KO NA ALAM KUNG ANONG GAGAWIN KO SAYONG BATA KA!"
"Ganito po kasi ang nangyari---"
"ANO? ANONG SASABIHIN MO? NA HINDI MO SINASADYA? HINDI MO SINASADYA NA MUNTIK NG MASUNOG ANG BUONG SCHOOL MO?"
"Mommy, hindi ko po kasi alam na---"
"ANONG HINDI MO ALAM? HINDI MO ALAM NA MASUSUNOG ANG COOK LAB?"
"Hindi po, hindi ko po alam na hindi pala ako marunong magluto."
"ANO? ELAINE NAMAN! SASABOG ANG ULO KO SAYONG BATA KA!"
Grabe si mommy baka ang tenga ko ang sasabog dahil sa boses niya.
"Hon kalma, sige na do'n ka na sa taas, ako na ang kakausap sa anak natin," singit ni dad, tumingin muna si mommy ng masama sakin, katakot!
Pero umalis naman agad s'ya kaya binaba ko na ang kamay ko na nakahawak sa tenga ko.
Tumabi si dad sakin.
"Ano na naman ang ginawa mo, Elaine?"
Mahinahong tanong ni dad. Napasimangot tuloy ako.
"Dad, kanina ko pa po sinasabi na aksidenti lang po talaga ang nangyari. Hindi ko naman alam na may nilagay pala ako don sa oven, kaya ayon nakalimutan ko, ayon, sumabog."
Bumuntong-hininga naman si Dad.
"Elaine, buti at walang nangyari sayo at sa iba mong kaklase."
"Sorry na po dad, hindi na po mauulit. Promise!"
Sabi ko pa tinaas ang kaliwang kamay ko.
Umiling lang si dad.
"Yan din ang sinabi mo no'ng nabasag mo yong statue nong school mo!""Eh dad ang tagal na kaya non."
"It's been a week since that happened elaine."
"Matagal pa rin po yon eh!!"
"Bukas sa ibang school ka na naman papasok, at kakaiba ang school na to dahil sobrang strict kaya dapat kang mag-ingat."
"Sila ang mag-iingat sakin." Bulong ko.
"Ano yon, Elaine?"
"Po? Wala naman po akong sinasabi ah."
"You saidcsomething."
"Wala po akong alam jan Dad, baka bubuyog yon."
"Walang bubuyog dito Elaine, nasa loob tayo ng bahay."
"Baka ahas."
Napa-iling nalang si dad, alam nya kasing nililito ko lang sya at naghahanap ng bagong topic para makalusot, dad know me well.
Ay! Hindi pa pala ako nakakapagpakilala, I'm Elaine sapphire Monternel, 17 years old. Yong kaninang sumisigaw ay mommy ko, siya si Elaine Monternel at ang pangalan naman ng daddy ko ay si Samson Monternel. Sobrang overprotective sa'kin ng mga magulang ko pero ito naman ako, pasaway sa lahat ng pasaway. Talent ko eh.
Tulad nalang ngayon, pinasabog ko ang cook lab ng school ko at muntik pang MASUNOG ang buong school.
Hindi ko naman kasi alam na may nilagay ako don sa oven tsaka good girl kaya ako(pag matulog po). Lilipat na naman ako ng school tsaka sabi daw ni dad mag-ingat ako? Well, lagi naman nila akong sinasabihan nyan kaya no worries.

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...