Blake's POVInis na binatukan ko si linus dahil sa kakulitan nya. "Aray naman Blake, ano bang ginawa ko sayo?" Tanong pa nito.
"Wag mo daw kasing binabanggit ang pangalang sapot linus, may nakakamiss eh-----aw!" Si Vincent naman ang binatukan ko.
'tsk. Walang magawa! Ako pa talaga ang nakita?'
"Tumigil na nga kayo dyan, tapos na ang klase oh." Tumayo na si marky at nakapamulsang lumabas ng classroom namin. Magkaklase kami sa lahat ng minor subjects nila linus kaya yong dalawang ugok! Ako ang naisipang kulitin!
Sumunod naman sakin yong dalawang ugok.
"Ayan kasi linus! Nagalit na naman si blake satin! Hirap na hirap kayang paamuhin ang isang yan tapos ikaw inaasar mo pa!"
"A-anong ako? H-hoy vincent! Wag ka ngang maduga! Ikaw unang nang-asar kay Blake."
"Hindi ah! Ikaw nga tong---"
"Mukha mo!"
"Gwapo!"
"Ulol! Ang sabihin mo! Gago!"
Tinignan ko ng masama ang dalawa nang mag-asaran pa sila sa likod ko.
"Kung hindi kayo titigil dyan, magbubuhat na naman kayo ng order ng lahat ng estudyante!"
"Yay! Tatahimik na Blake!"
"Ayan oh! Naka-sira na ang bibig ko!"
Humarap na ulit ako sa daan at naglakad. Hindi ko pa rin maiwasang matawa tuwing naaalala ang ginawa nong tatlong ugok para lang mapatawad at pansinin ko sila. Naging waiter lang naman sila sa cafeteria kanina at nag-hatid ng mga order ng mga estudyante dahil yan ang punishment nila sa ginawa nila sakin kagabi. Tsk akala nila.
Napatigil naman kaming apat sa paglalakad nang makakasalubong namin sila Jethro.
"Kyahhh! Ang gwapo talaga nila!"
"Ba't napapaligiran tayo ng mga hot at gwapong mga to?"
"Wahhh! I can't breath, tell president and Blake na I want CPR!"
"Grabe! Nakakalaglag panty pag silang lahat magsama. Lalo na si president at yong si Blake daw."
"Blake pala pangalan nong isa sa mga Bago? Yang brown ang mata? Kyahhh! Gusto ko syang makilala!"
"I want president!"
"I want Blake!"
"Ang gwapo ni president!"
"Mas gwapo si Blake!"
"No!"
"Yes!"
Ilan lang yan sa naririnig naming bulong sa mga estudyanteng nakatingin samin at naglalakad sa gilid namin.
"Tsk. Para pala tayong mga kawal lang!"
"Oo nga! Kung hindi nadidikit kay Blake, isa tayong malaking basura!"
Rinig kong bulong nong dalawang ugok sa likod. Napapa-iling nalang ako sa naririnig. Iba talaga pag gwapo. Tsk. Thankful ako sa parents ko. Hehehe.
Dumiretso lang ako ng lakad at hindi pinansin sila Jethro na deritso lang din naman ang lakad at nilagpasan kami.
"Ang gwapo ko talaga linus." Bulong na naman nong nasa likod ko.
"Sige, patuloy mo yang panaginip mo Vincent."
'bakit ba mas humangin na naman ang dalawang ugok na to? Ito namang nasa tabi ko, ang tahimik! Tsk.'
"Did you hear what happened about sapphire and Jethro?" Nabaling ang tingin ko kay marky nang magsalita ito. Kanina pa malalim iniisip nitong ugok na to eh!

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...