Blake's POV"Putek! Nawala lang tayo ng isang araw yan na agad ang nangyari?!" Hysterical na sabi ni linus habang nakatingin sa table nila sapot at yong mga kaibigan nya at kaibigan nong Jethro na yon. Nakita naman naming umalis si sapot at hindi ko alam kung bakit.
"May alam ka ba dito blake?" Tanong ni vincent sakin kaya binatukan ko.
"Magkasama tayo tapos ako tatanungin mo? Gago!" Inis na sabi ko at kumain nalang. Nagulat lang kami sa nangyayari ngayon, nawala lang kami ng isang araw, pagkabukas magkasama na sila sapot at jethro? The fvck! Anong nakain nila at parang nagkakasundo na sila? Tss..
"Aray blake ah! Nagtatanong lang eh!" Reklamo ni vincent.
"Gusto mo sapakin kita?!"
"O-okay na sakin yong batok, kahit ilang beses pa. Hehehe..."
Napa-iling nalang ako at nagtuloy na sa pagkain.
"Ba't anggulo? Tss. Parang kalahati ng pagkatao ko nawala dahil sa nangyayari ngayon eh!" Usal ni linus kaya sya naman ang binatukan ko.
"Wag kang OA hindi mo naman kaibigan ang mga yan eh! Tss!" Singhal ko dahilan para mapatawa sila Vincent at marky habang si linus naman ay napasimangot nalang.
Tss..
'what now sapot and Jethro? Is this a joke or play? Tss.'
Sapphire's pov
Lumipas ang mga araw at yon lang ang naging routine ko sa buhay. LAGING KASAMA SI KURT, asaran ng mga kaibigan namin, bulungan at chismissan ng mga estudyante sa paligid, gulo at bangayan naman kami ni kurt. Sabi ko nga, hindi kami pwedeng magkasama dahil para kaming oil at tubig. At simula din nong Wednesday (nong naging kami) ay lagi na akong nasa opisina ni kurt. Ayoko man, wala akong magagawa dahil lagi nalang nakasigaw ang mga kaibigan ko sa sakin. Yong totoo? Kaibigan ko ba talaga sila? Punyeta!
"Elaine nagawa mo na ba ang pinapagawa ni ms. Gharteur?" Napa-irap naman ako sa tanong ni kurt. Ito yong sinasabi ni mrs. Garter na another chance daw. Tss. Kalokohan!
"Sa monday pa naman ang pasahan non kaya wag ka ng magtanong." Bored na na sagot ko lang. Hindi naman sya ang babagsak pag hindi ko ginawa ang project na yon noh.
"Elaine!"
"Punyeta! Wag ka ngang sumigaw!"
"Answer me right!"
"Tama naman talaga yong sinabi ko ah? Tss. Wag ka ngang pabobo!"
"Tss..."
"Matagal pa ba yan?" Sinubukan ko namang tignan ang sinusulat nya. Kanina pa sulat ng sulat yan eh, hindi ko naman alam ang sinusulat nya. Nandito kami ngayon sa opisina nya. Takte! Para akong nagka-boyfriend ng presidenti ng bansa! Lupet sa pagiging busy. Well, mas gusto ko sana na busy sya para pwede akong magliwaliw sa labas pero punyeta! Lagi ko nalang kasama ang isang to, lalo na pag nasa opisina sya.
"I'm done...let's go." Sabi nya at tumayo, nilagay ang ballpen sa isang kahon, hinawakan ang papel at lumabas ng opisina nya na naiwan akong mag-isa. Diba? Nasan yong sweetness nya? BINATO NYA SA MARS AT WALA AKONG BALAK KUNIN YON! MABULOK SYA!
Hindi naman big deal sakin yon na hindi sya sweet dahil nakakasuka naman pag ginawa nya dahil hindi bagay sa kanya at hindi ko naman kailangan ng sweetness nya. Ang kaso, wala na ngang sweetness sa katawan! Wala pang gentlemen sa buto! Tignan nyo nga, nasan yong gentlemen sa taong basta-basta nalang nang-iiwan mag-isa?
Tumayo naman ako at lumabas na. Nakita ko namang nakasandal lang sya sa pader na nasa gilid ng pinto ng SSC office.
"Akala ko hindi ka na lalabas. Tsk." Tignan nyo? Hindi na nga gentlemen! Bastos pa!

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...