Sapphire's POVBangag! Sabog! Tulala! Wala sa sarili!
Yan ako ngayon. Bangag ako dahil wala akong tulog, sabog ako dahil marami akong iniisip, tulala ako dahil hindi ko alam, wala ako sa sarili dahil yon na yon. Basta! Nababaliw na ako dahil sa nangyayari sakin!
Dapat kasi nilunod ko yong lawang yon eh! Pagkatapos nyang magnakaw ng---ng ano! Ng basta! Pagkatapos nyang magnakaw nilayasan ako? Diba? Ang gago nya kahapon! Tanginang yan! Pagmakita ko lang talaga yang si lawa sisiguraduhin kong hindi na sya makakakita pa! Bubulagin ko sya at puputulin ko bibig nya para hindi na sya makapagnakaw ng---basta!
*Tok tok*
Napatingin naman ako sa pinto nang may kumatok. "baby mauna na kami ng daddy mo sayo, may driver naman tayo pahatid ka nalang sa kanila ah? May maaga kasi kaming meeting. Bye dear, we love you." Sigaw ni mom sa labas. Hindi naman ako sumagot. Nakarinig nalang ako ng mga yabag ng paa palayo sa kwarto ko.
*Ring ring*
Lumipat naman ang tingin ko sa cellphone ko nang tumunog ito. 'istorbo!'
Kinuha ko na ito at sinagot nang walang tingin tingin sa caller ID.
"Oh?"
(Mine)
"Oh? Problema mo?"
(I'm here outside.)
"Saang outside?"
(In your house)
"What the! Anong ginagawa mo dyan?"
(I told you, were having a date today. I called your teacher to excuse you. I'll go inside.)
O.O
"Hep! Dyan ka lang muna! Hintayin mo ko sa labas!"
(Why? Tss. I'll go inside and you, prepare yourself if you don't want that I'll go upstairs and go inside in your room.)
"Oo na!"
*Toot toot*
Agad kong hinagis sa kama ang cellphone ko at pumasok sa banyo at nag-tooth brush at naghilamos. Pakatapos kong gawin yon ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Naabutan ko naman sa sala si kurt. Walangya! Feel at home ang gago!
"San mo ba balak pumunta ngayon?" Tanong ko kay kurt at umupo sa harap nya. Tinignan naman nya ako na parang ako na ang pinaka-weird na nakita nyang babae. Naka-pantulog pa kasi ako.
"Secret" seryoso nitong sabi. Ay! Gago!
"Pano ka pala nakapasok? Hindi ka ba hinarang ng mga bodyguards dyan sa labas?"
"They already know me."
Napatango-tango naman ako at tumayo na. "Dito ka lang, maliligo lang ako." Tinanguan naman nya ako kaya umakyat na ako sa kwarto at ginawa kung ano ang sinabi ko.
............
Halos isang Oras ng nagmamaneho si kurt pero wala pa rin kami sa pupuntahan namin. Punyetang yan! Napa-absent ako ng dahil sa abnoy na to! Gusto ko naman talagang umabsent pero hindi sa ganitong dahilan. Date? Tss.
"San ba kasi tayo pupunta? Ano? Road to forever na ba to?" Inis na tanong ko kay kurt pero nagtaka ako nang ngumisi lang sya.
"Road to forever? Sounds great." Ay gago! Wala na! Abnoy na ang isang to!
"Tigilan mo ko presidenti ah! Kanina pa tayo nasa daan ah?"
"We're almost there."
"Pu----pupunta ba tayong mars ah?" Hoo! Muntik na yon! Expletive na naman!

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...