Monica's POVNakaharap lang kaming tatlo nila mayu at asul kina blake at sapphire na ngayon ay naka-upo sa couch at nakatingin samin. Nagpapatulong sila sa thesis nila. Ayan kasi, mga bulakbol kaya walang natutunguhan!
Ngayon, ni hindi nila alam kung anong thesis kaya nagpapatulong. Ano ba yan.
"Unang-una, bawal ka dito blake dahil girls dormitory to." Panimula ni mayu. Sya ang madruna namin dito. Hindi na rin bumabalik si sapphire don sa boys dormitory at dito na sya sa dorm namin. Dinala na din nya ang mga gamit nya dito, buti at okay lang yon para kay president.
"I dont care" tignan mo tong tarantadong to. Grabe talaga si blake, sya yong boy version ni sapphire. Hmmm...
"Tutulungan nyo ba kami o hindi?" Tanong ni sapphire. Napahinga nalang kami ng malalim.
"Tungkol san ba ang gagawin nyong thesis?"
"Drugs"-sila
Nagkatinginan naman kaming tatlo nila asul at sabay na humalagpak ng tawa. "hahahahahahahahahahahah"
"Anong tinatawa-tawa nyo?!" Parehas na sigaw ni Blake at sapphire at sinamaan kami ng tingin. Habol ang hiningang tumigil naman kami sa kakatawa.
"Mukha na nga talaga kayong adik. Sa lahat ng topic, drugs talaga?"-asul
"Umayos nga kayo!"-sapphire
"Hahaha. Ganito ang gagawin nyo..blah..blah..blah..." Pinaliwanag ko sa kanila ang gagawin nila. Buti at nakinig.
.........
"Bagay naman pala talaga yang dalawang yan noh?" Napatingin kami ni mayu kay asul nang sabihin nya yon. Pero hindi sya samin nakatingin at nang tignan namin ang tinitignan nya ay sila sapphire na nakaharap sa kanya-kanyang laptop.
"Sila Blake at sapphire?" Tanong ni mayu. Tumingin naman si asul samin at ngumiti.
"Ang gwapo rin kaya ni blake, parang parehas lang sila ni gwapong nilalang. What do you think?"
Tinignan naman namin si blake na ngayon ay mukhang nakikipagtalo na kay Blake. Gwapo nga naman. Una ko ngang tinawag sa kanya ay hottie cutie pie.
"Manok ko pa rin si gwapong nilalang!" Nakangiting sabi ni asul.
"Okay para may kumpetisyon, boto ako kay Blake. Isusugal ko ang baby blu ko." Sabi ko pa. Si baby blu ay sasakyan ko.
"Ako naman ang baby shine ko" sabi ni asul na ang tinutukoy ay ang sasakyan niya. Napatingin naman kami kay mayu, ayon, tulog.
"Diba kanina nakaka-usap pa natin yan?"-ako
"Kanina pa ba sya tulog?"-asul
Parehas nalang kaming napa-iling kay mayu. Kahit kailan.
"Nakalimutan ko!" Napatingin naman sakin si asul sa sinabi ko.
"Anong nangyayari sayo?"
"Wengya! Naisahan ako don ah?! May iku-kuwento pa satin si mayu eh! Nakatulog na ang gaga!"
"Hahaha, naisahan ka nga. Hindi ka pa ba sanay? Hahah."
"Bilisan mo nga dyan lawa! Wag kang malandi!"
Parehas naman kaming napatingin sa gawi nila Blake at sapphire nang marinig ang sigaw ni sapphire.
"Anong malandi! Pick up line tawag don sapot!" Sigaw ni Blake.
"Kalandian yon gago!"
"Tss. Kalandian mang tawagin yon para sayo, ang mahalaga sakin, napangiti kita sa puntong to."

BINABASA MO ANG
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...