Sapphire's POVSimula nang tanggapin ko ang punyetang dare na yon, nagbago na ang takbo ng gago kong buhay. Maraming nagbabago, maraming nabago. Isa na don ang nararamdaman ko. Tangina! Nakakabaliw isipin kung bakit ni hindi ako makakilos pag hinalikan ako ni lawa o kurt. Parang paralisado ako at hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero isa lang ang alam ko, 'masama to!'
Tulad nalang ngayon, nakatingin lang ako sa kisame habang yakap-yakap ni kurt. Yeah, dito na naman sya natulog. Gago talaga kahit kailan. Hindi na nahiya.
"Hey sleep now little hard headed girl!" Wika ni kurt sakin. Tss. I-untog kita dyan eh, ikaw patutulugin ko punyeta ka!
"Wag mo kong Simulan ah!" Narinig ko namang mahina syang napatawa sa sinabi ko. Nag-joke ba ako? Tarantadong to!
"Let's get to sleep mine, another long and tiring day will welcome us later." Sabi ni kurt at sumiksik na naman sa leeg ko, paborito nya yan.
"Tss. Hanggang kailan ba ako magiging secretary mo presidenti?" Out of nowhere kong tanong. Eh sa hindi pa ako matutulog eh.
"Hmm...why? Are you tired?"
"Baka nakakalimutan mong sumisira ako ng batas at hindi gumagawa?" Sarkastikong sabi ko. Tss. Nakakainis, isa pa tong nagbago!
"I want to sleep mine. Let's get sleep."
Napa-irap nalang ako sa sinagot nya. Galing mag-change topic. Sarap ipalapa sa pating ang isang to.
Kesa magmukmok ay natulog nalang ako, bukas pa naman ang Battle of the band kung saan kasali si asul. Mahaba-habang araw na naman. Hayys.
***
Blake's pov
'Hayyys!'
Wala sa sariling sinabunutan ko nalang ang sarili ko dahil sa rasong hindi ko alam. Simula nang malaman kong umalis na naman si Jethro bandang alas nuwebe at alam kong pupuntahan nya si sapot ay naiinis na ako. Arhgs! Ano bang nangyayari sakin?!
Inis na lumabas ako ng dorm room at ingat na ingat na pumunta sa dorm nila linus, baka makita ako ng mga nagpa-patrolya at baka detention pa ang bagsak ko. Tss.
"Hey bro!"
"Oh blake?"
"Anong ginagawa mo dito bro?"
Hindi ko lang pinansin ang salubong sakin ng mga kaibigan ko. I'm not in the mood. Mas gusto ko pang makipag-sapakan o di kaya ay making out with one or two girls *smirk*.
Umupo ako sa sofa kaharap ng tv. Sumunod naman sakin yong tatlo. Dala ni marky ang cellphone nya habang yong dalawa ay nag-aagawan sa isang slice ng pizza.
"Bakit ka nga pala nandito bro?" Tanong ni marky habang nakatingin pa rin sa cellphone nya. "By the way blake, tumawag kanina lang si janella bakit hindi ka daw sumasagot sa mga tawag nya?" Dagdag pa ni marky. Oo nga pala, bumili ako ng BAGONG cellphone dahil hindi pa binabalik ni sapot ang cellphone ko. Tss. Ano na namang problema ng babaeng yon? Bakit ba tawag ng tawag? Kung hindi lang dahil kay tito Charles hindi ko na papansinin ang isang yon. I really don't love her but tito Charles and my parents beg me to act as a boyfriend in front of her and I don't know why.
"Don't mind her, magsasawa din yan." Sabi ko nalang at binaling ang tingin kina linus. "Vincent"
Taka namang tumingin sakin si Vincent nang tawagin ko sya. "Call some girls. Masyadong malamig dito eh." Nakangising sabi ko. Ngumisi naman sila linus at marky. They like my idea.

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...