Chapter 44

182 8 0
                                        


Blake's POV

Kanina pa ako yapos na yapos dito habang nakatingin kay Jethro na may kausap na babae dito sa tabing dagat.

Tanginang yan! Alam ba talaga nyang may girlfriend sya?! Kung makipag-usap at makangiti don sa babae parang single na single sya! Putang-ina!

"Bro ayos ka lang?" Nabaling ang atensyon ko kay Vincent nang magsalita sya.

"B-bakit?" Takang tanong ko.

"Baka kasi mabasag mo yang baso na hawak mo bro." Napatingin ako sa baso na hawak ko, mahigpit nga ang hawak ko dito. Binitawan ko nalang bago pa tuluyang mabasag.

'ano bang paki-alam ko sa magsyotang yan! Tangina! Wala akong paki-alam sa kanilang dalawa!'

"Gumawa ka kasi ng way para mapaghiwalay ang mga yan." napatingin ako kay marky nang sabihin nya ang mga salitang yon.

Umiwas lang ako ng tingin nang tignan nya ako ng makahulugan.

Aljon's pov

"Isa pang tubig please" napakamot naman ng ulo yong waiter na kanina ko pa hinihingian ng tubig. Bakit ba kasi ganito nalang ako ka-nerbyos pagdating sa kanya?! Shit this life!

"Ito po sir" halatang naasar na, na sabi nong waiter at inilapag ang hinihingi kong tubig.

"Sir oorder na po kayo?" Tanong ng waiter pagkatapos nong ubusin yong isang tubig na binigay nya.

"Maybe later, may hinihintay pa ako eh."

Tumango naman sya at umalis na habang ako ay nagpipigil ng nginig sa katawan dahil kanina pa ako nene-nyerbos dahil inimbita ko si joana para sa dinner date namin ngayon at abot abot ang kaba ko dahil ngayon na rin ako aamin sa kanya sa tunay kong nararamdaman at hihingi nang permisyo nya para ligawan ko sya.

Joana is beautiful and I'll blame my self if someone out there get a chance to court her.

Nanununuyo na naman ang lalamunan ko kaya humingi na naman ako ng isa pang basong tubig at asar asar na talaga ang waiter sakin pero wala akong paki-alam. This is my way to calm my self.

"Aljon?" Napatigil ako sa pag-inom ng tubig nang biglang sumulpot ang isang babae sa harap ko. Pamilyar sya, sya yong babaeng kaibigan ni princess.

"Hai, I know you wouldn't recognize me because you're a heartthrob snob in school, aren't you?"

Nginitian ko lang sya ng peke dahil hindi ko nga sya kilala tapos kinakausap pa ako. Yeah, what she said is true. Ayokong makisalamuha sa ibang tao lalo na sa mga babae but because of joana, I changed. Lagi lang akong nasa bahay at hindi lumalabas para lang gumala, lagi akong nasa room kahit break or lunch pa, lagi lang akong mag-isa pero alam ng lahat ang presinsya ko because of my good looks.

"I'm Shan, friend of princess. So what are you doing here?"

Napa-fist ako sa ilalim ng table dahil sa kadaldalan nya, hindi ba nya nararamdaman na ayoko sa kanya? Tss.

'where the hell is joana?! I want her, not this girl in front of me!'

"Nothing" walang ganang sagot ko. Not being rude, I told you, I changed but still, I don't have any guts to be friendly with others I don't want to be with.

"You're not comfortable talking to me aljon" tumawa pa sya habang sinasabi yon.

'hindi sa hindi ako komportable, ayaw talaga kitang makasama o kahit maka-usap man lang.' that words I want to say but I'm not here to argue with this girl.

O.O

Agad akong napatayo nang makita ko sa labas ng restaurant si joana at nakatingin samin ni shan. Made of glass kasi ang wall ng restaurant na to kaya kitang kita kung sino ang nasa labas, lalo na ang nasa loob.

Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)Where stories live. Discover now