Joana's POV"Are we ready?" Tanong ni couz sa aming lahat. Ilalagay ko sana ang malaking bag ko sa loob nang may kumuha non at sya na ang naglagay ng bag sa loob ng van.
"A-aljon"
Hanggang ngayon awkward pa rin sakin ang nangyari nong huli ko syang maka-usap. Para kasing sa isang iglap lang, nagbago sya. From snob to sweet. Gosh nakakaloka!
Ngumiti na naman sya at inaya akong pumasok na sa loob ng van. Ngayon na ang punta namin sa isang resort na pagmamay-ari ng family ni mayu. Hindi ko nga rin alam kung bakit nasama pa dito si aljon, ang sabi niya invited daw sya eh hindi ko naman alam kung sinong nag-invite. Hayy... awkward.
Mas lalong naging awkward sakin ang lahat nang tumabi pa talaga si aljon sa tabi ko. Akala ko kasi tatabi sya kay monica dahil close sila.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nya dahilan para bumilis na naman ng tibok ng puso ko. Gosh! Why my heart is acting like this!
"Y-yeah" ilang na sagot ko nalang at binaling pa ang tingin sa labas ng van. Nasa gilid ko kasi ang bintana.
"Are you comfortable?" Tanong na naman nya kaya napilitan akong ngumiti ng peke.
"I'm okay" ngumiti pa ako ng todong-todo para ma-assure sya na okay lang ako.
Natulala na naman ako nang ngumiti sya. shit! He's goddamn handsome when he smile!
............
"Hoy presidenti! Tulungan mo ko sa dala ko!" Naalimpungatan ako sa sigaw na yon na mukhang galing kay sapphire.
Nang i-angat ko naman ang tingin ko ay mukha ni aljon ang bumungad sakin.
'wth! Did I sleep in his shoulder?! Embarrassing joana!'
"S-sorry! Sorry hindi ko sinasadyang makatulog sa balikat mo, hindi ko na namalayan eh. Sorry talaga a-aljon." Paghihingi ko ng paumanhin. Ngumiti na naman sya kaya ito na namang pusong to, nagkakarera na naman sa loob. Why is that?
"It's okay, I'm fine. Sana hindi ka nahirapan dahil medyo may kataasan ako eh." Natatawang sabi nya dahilan para taasan ko sya ng kilay.
"Anong akala mo sakin unano?"
"Ang ganda mong unano pagnagkataon."
Yong kaninang inis ko ay napalitan ng pagkahiya. Ramdam kong namumula ang mga pisngi ko kaya iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. "Nasan na tayo?" Pag-iiba ko sa usapan. I really feel awkward.
"We're here couz" napalingon ako sa harap nang si couz ang sumagot. Pagtingin ko sa tabi ko kung san nakaupo si aljon ay wala na sya. Iniwan ako!
"Let's go couz, tayo nalang ang nandito."
Tinanguan ko naman si couz bago lumabas. Nadatnan ko namang may dala-dala ng bag ang lahat, pwera samin ni couz.
"I'll get my bag" sabay na sabi namin ni couz at natawa pa kami dahil don.
"No need, I already get it." Singit ni aljon sa usapan.
"Hmmm...Is there something to the both of you?" Tanong ni couz at tinignan pa ako ng nang-aasar.
"None"
"Wala ah"
Sabay na sagot namin ni aljon. Tumingin ako sa kanya pero napa-iwas lang sya ng tingin.
Nang tignan ko naman si couz ay nakangiti na sya. "Okay let's go inside"
Nauna naman si couz saming maglakad. Habang yong iba ay nasa unahan lang namin. Si mayu ay Kasama si kyle habang kasama yong kapatid ni aljon na si Diana. Si monica naman ay as usual, kabangayan si walter. Sila president naman ay nagtatalo kung sinong magdadala ng mga bag nila. Si hazel naman ay kinakausap ni ion habang si ion ay may kaajbaya na Habang kami ni aljon ay nasa likod lang nila.

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...