Sapphire's POVYong ayaw mong pumasok dahil baka paglabas mo ng pinto ng kwarto mo puros kahihiyan ang bubungad sayo? Takte yan oh! Nakakahiya na!
"Ano girl? Wala kang balak pumasok?" Nakapa-meywang na tanong ni monica. Kanina pa nila ako kinukumbinsi na pumasok pero ayoko talaga. Punong puno na ako ng kahihiyan at kung dadagdagan ko pa yon, baka sumabog na ako.
To think na isang sapphire Monternel magiging boyfriend ang walking ruler na yon? Parang andami naman yatang nangyari sa amin sa loob ng halos dalawang linggo lang. Nagka-inisan, nagrambol at ngayon? Naging kami na? Punyeta! Kung panaginip man to sapakin ako ngayon na!
"Hoy sapphire! Late ka na sa klase mo tapos wala ka pang balak na bumangon dyan ah?!" Sigaw ni monica.
*Ding dong*
Pare-pareho naman kaming napatingin sa pinto nang may nag-door bell. Lumapit naman si mayu at binuksan ang pinto.
O.O
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko nang pumasok sa loob ng kwarto si kurt! Shete!
"Fetching up my girl?" Parang hindi sigurado na sagot ni kurt.
"Yiie!" Tili ng mga kasama ko.
"I'm not yours!" Sigaw ko at umiwas ng tingin. Aba! Kuta na ako sa kahihiyan at kung pwede lang sanang magpalamon sa lupa sana kanina pa! Punyeta!
"Why you're still in bed? It's already 8:45 and you're already late. You, you may now go, I can handle this." Tumango naman sila asul sa sinabi ni kurt at dali-daling umalis.
"Hoy mga peste! Bumalik kayo rito!" Sigaw ko pero wala ng bumalik pa sa kwarto. Tinaasan ko naman ng kilay si kurt na ngayon ay nakapamulsang nakatingin lang sakin. "Anong tingin yan? Tusukin kita eh!"
"Go to the bathroom now elaine. You need to get up, kailangan mong makabawi sa studies mo dahil papatapos na ang first semester at sinabi sakin ng mga major mo, tagilid ka daw."
"Eh kung ayaw ko?"
"Ako magpapaligo at magbibihis sayo. You want that?"
Nanlaki naman ang mata ko at mabilis pa sa alas kwatro na pumunta sa bathroom. "Putang-ina mo talaga presidenti! Sasapakin talaga kita pag ako napuno sayo!" Sigaw ko habang nasa banyo. Takte!
......
"Ayoko ng mag-uniform, nadala na ako nong pagtripan ako nila lawa!" Inis na sigaw ko habang nakatingin sa uniform. Black uniform sya at white naman sa lower part. May pulang ribbon sa gitna at white naman ang collar. Ang kiniinis ko ay tuwing nakikita ko ang uniform na yan, naaalala ko si lawa at yong ginawa nya na dinikitan nya ng pandikit ang upuan ko at muntik ng mapunit ang buong palda ko.
"Wear our uniform elaine."
Parang nalugi naman ako sa sagot ni kurt. "Eh ang pangit kaya nito, ang iksi pa."
"Don't worry, wala namang makikita sayo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Hano daw? Ang kapal!
"Ang kapal kapal ng mukha mo!" Galit na sigaw ko at bumalik sa banyo para magbihis.
NAGLALAKAD kami ngayon sa hallway at pinagtitinginan ng mga estudyante na nadadaanan natin. Pano ba naman kasi? Isang abnoy at astig nagsama! Diba? Sinong hindi mapapa-stiff neck kakalingon samin.
"Don't stare" malamig at ma-otoridad na demand nitong kasama ko kaya yong mga estudyante na nakatingin samin ay nabali ang leeg hindi lang tumingin samin. In short, kanya kanya silang iwas ng tingin.

BINABASA MO ANG
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...