Chapter 19

226 13 0
                                        


Sapphire's POV

Mag-a-alas sais na nang tawagan ako ni mom para umuwi dahil maaga pa ako bukas. Ayaw ko man, sumisigaw na si mom sa kabilang linya kaya wala akong nagawa kundi ang magpa-alam sa mga kaibigan ko at umalis na don. Nakasakay ako ngayon sa taxi at kumakain ng fresh para hindi maamoy nila dad na uminom ako ng alak. Hahay.

"Where did you go Elaine?" Salubong ni mom sakin nang makapasok ako sa bahay.

"Kina mayu mom. Alam mo na, hangout with friends." Baliwalang sagot ko at dumiretso sa kusina at uminom ng malamig na tubig. Ang init ng paki-ramdam ko. Hoo!

"Kumain ka na ba?" Sumunod pala sya. Tumingin ako kay mom at ngumiti.

"Tapos na mom. I'll go upstairs."

"You should, tumawag ang headmistress ng school mo, dapat bukas sa alas otso ay nandon ka na sa eskwelahan. 8:30 raw pasok mo."

"Can I quit mom?" Pagod na sabi ko at binalik ang pitcher sa ref. "I'm tired from that school. I really don't like it."

"Sorry dear but you can't. We have a deal right? You don't want to lose right? Sige na, umakyat ka na don and take some rest. I love you baby." Ki-niss naman ako ni mom sa cheeks at umalis na. Napahinga nalang ako ng malalim at umakyat na. Pakshet!

........

"Hoooo! Welcome to hell again sapphire." Mahinang bulong ko sa sarili pagkalabas ko sa kotse nila mom. Tumingin ako sa kanila na nasa loob ng kotse, binaba naman ni mom ang bintana ng passenger seat kaya dumungaw ako don. "Mom, dad, una na ako. Pasok na ako, sibat na me. Love you."

Ngumiti naman silang dalawa. "Love you baby. Take care."

"Bye baby, aral mabuti ah? You sure na ayaw mo talagang kausapin namin yong parents nong nangbully sayo?" Umirap lang ako ng patago kay mom bago tumango at nagpa-alam na sa kanila. Hindi ako bata para sa mga yon. I can handle my self.

Tulad ng una kong reaksyon sa eskwelahang to, pangit na agad aura ko. Tss. Hindi na magbabago to. Tumingin ako sa relong binigay ni dad sakin, kahapon nya lang to binigay. 7:00 pa lang, 8:30 pa pasok ko. Hahay. Pumunta nalang akong cafeteria. Bibili ako ng pagkain at tatambay sa garden. Na-miss ko rin ang teritoryo ko don ah?

Tatlong estudyante lang ang nakapila sa cafeteria kaya nag-effort nalang akong pumila. Saka lang naman umaandar ang pagiging loko ko kung wala ako sa mood, ayokong sumunod sa batas at ayokong humarap sa mga tao.

"Excuse me?" Taas kilay na usal ko nang may gagong basta-basta nalang sumingit sa pila at sa harap ko pa mismo. Humarap naman sakin ang yong babaeng gago at nagulat ako nang makilala ko sya. Actually, hindi ko sya kilala dahil isang beses ko lang syang nakita. Yong babaeng nasobrahan sa katangahan kaya ako ang sinisisi don sa pagkakatapon ng ice cream sa bag nya. Yong naka-away ko nong sabado? Balikan nyo nalang ang chapter 16 kung naguguluhan kayo.

"Hey! You bitch again?" Taas kilay na tanong nya at hindi pa man ako nakaka-ready ay sinampal na nya ako.

*Paakkk*

Hindi pa man ako nakakarecover ay sinampal na naman nya ako sa kabilang pisngi. Parang yong ginawa ko lang nong sabado? Tss. Walang originality! Peste!

"Ayan, para fair." Natatawang sabi nya at nag-cross arms pa. "Ouch naman girl! Ang kapal naman ng mukha mo, sumakit kamay ko ah?"

Ngumisi naman ako sa kanya at tinignan sya ng seryoso. Nakita ko namang napalunok sya habang nakatingin sakin. "Mas makapal ang kamay ko, gusto mo subukan?" Seryosong tanong ko dahilan para matigilan sya at mapasinghap.

"You bitch!" Sigaw nya at nagulat ako nang may hawak na syang pulbo at binuhos yon sa mata ko kaya agad akong napahawak sa mata ko dahil para akong napupuwing. Punyeta! San galing yon?!

Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)Where stories live. Discover now