Kyle's POVNandito kaming magkakaibigan sa resto nila Walter. Christmas break na kasi at ilang araw nalang mula ngayon, pasko na kaya napag-usapan na magki-christmas party kaming magkakaibigan. At itong resort nila Walter ang venue namin.
"Hai babe" nakangiting tawag ko don sa receptionist. Namula naman sya sa sinabi ko.
'gotcha!'
Kinindatan ko sya dahilan para mas mamula pa sya. Iba na talaga pag-gwapo.
"Kyle!" Napalingon naman ako sa tumawag sakin. Nakataas ang mga kilay ng mga kaibigan ko nang nakatingin sakin. Napakamot nalang ako ng ulo at tinignan ulit yong receptionist.
"See you later babe." Nakangising sabi ko dahilan para mapayuko sya.
Ngumiti nalang ako at tumalikod na kaso---------
*Bogsh*
May nakabanggaan ako. Ba yan!
Dahil mabait ako at GENTLEMAN pinulot ko yong mga papel na nahulog nong babaeng nakabangga ko.
"Here miss." Sabi ko nang iabot ko ang mga papel sa babae pero agad akong natigilan nang makilala kung sino yong babae. "Kyrine?"
"Oh shit! Ikaw pala kyle." Aligagang sambit nya sa pangalan ko. Luminga-linga naman sya sa paligid na parang may hinahanap. "Si Jethro? Kasama mo ba?" Halatang kinakabahan sya bago tumingin sakin.
Tinignan ko kung nasan sila Jethro kanina pero wala na sila. "Oo pero iniwan na nila ako dito." Kamot ulong sagot ko.
"Shit! Nandito si Jethro." Bulong ni kyrine na parang kinakausap ang sarili. "W-wag mong sasabihin kay Jethro na nagkita tayo okay? I have to go." Sabi nya at tatalikod na sana nang hilahin ko sya pabalik. "What?"
"Let's have coffee first." Nakangiting offer ko. Umirap naman sya.
"Old kyle as always." Sabi nalang nya at tumango na kaya naglakad na kami at pumunta sa coffee shop.
Kung hindi nyo kasi naitatanong, ex ko yang si kyrine. Tumagal kami ng 1 year kaso, strict ang parents nya kaya naghiwalay kami. Hindi naman tutol si Jethro samin pero ang parents lang talaga ni kyrine. Sa lahat ng naging ex ko, sya lang naman ang tumagal ng isang taon. After that break up, halos isang buwan o linggo nalang ang naitatagal ng mga ka-relasyon ko.
That's how complicated when you love a Devera. Kilala sila bilang ma-impluwensyang pamilya. Lahat matatalino, talented at magaling. Kaya nga minsan kung mapapatingin ako kina Jethro at sapphire, nag-aalala ako na baka danasin ni sapphire ang mga dinanas ko sa kamay ng Devera family. And if that would happen, I don't think Jethro can do anything for sapphire.
Nang makarating sa coffee shop ay umupo na kami at umorder.
"So how's life?" Panimula ni kyrine. Simula kasi nong break up namin, hindi na kami nagkita o nag-usap pa, ngayon pa lang.
"Ito, gwapo as always." Natawa naman sya sa sinabi ko.
"Joker as always. By the way, what are you doing here?" Tanong nya.
"Hmmm, may Christmas party kaming magba-barkada at dito yon gaganapin. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Nothing"
'akala mo naman maniniwala ako. I know you more kyrine.'
"Spill it ky, your secrets are safe with me. You know that."
Ngumiti naman sya sakin at nagsalita. "You know my fiance?" Napa-ayos naman ako ng upo.
'putek! Tama ba yong pagkakarinig ko? Fiance? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?'

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...