Chapter 55- School fest (Day 1)

170 8 0
                                        


Blake's pov

Shit! Fvck! Pano ko sasabihin to kay sapot? Ahm!

"Oh? Parang balisa ka bro?" Tanong ni linus nang mapansing kanina pa ko lakad ng lakad dito sa gilid.

"Hindi ko alam pano sabihin kay sapot na i-cheer nya ako." Kamot batok na sabi ko.

"Sus! Simple, Edi sabihin mo. 'Sapot nood ka mamaya ah? Suportahan mo kagwapuhan ko.' tapos sabay kindat. Sure ako, maiihi sa kilig yon."

*Toink*

Binatukan ko naman sya sa sinabi nya. Pvta! Baka masapak ako ni sapot ng wala sa oras pag yan ang sinabi ko.

"Wag kang maniwala dyan kay linus bro, puro kalokohan alam nyan. Ganito kasi dapat bro. 'sapot, alam kong sumobra na ang self-confidence ko pero i-cheer mo naman ako mamaya para pampagana at dagdag sa kagwapuhan ko.' tapos sabay akbay bro." Si Vincent naman ang binatukan ko sa pinagsasabi nya, akala mo kung sinong matino! Gago din pala ang pvta!

"Mga gago kayo! Gagawin akong punching bag ni sapot dahil dyan sa pinagsasabi nyo." Inis na sabi ko. Grrr! Bakit parang ang hirap?

"Sus! Ano namang pumasok sa ulo mo at gusto mong i-cheer ka ni sapphire. Nandon naman yon sa gym mamaya dahil maglalaro ang boyfriend nya." Singit ni marky.

Tss. Crap that! Kalaban nga pala namin sa basketball sila Jethro. Tss. Ngayon ang first day ng school fest at magsisimula sa larong basketball ang school fest pero yong mga booth ay start na rin.

"Gusto ko lang pagselosin si Jethro. Tss. Alis na nga ako, dedeskarteng blake nalang ako." Nakangising sabi ko.

"Yon oh! Galawang Benetiz!"

"Good luck bro!"

"See you sa laro mamaya bro!"

Rinig kong sigaw ng tatlo bago ako lumabas ng tambayan.

Marami pa rin ang nagbubulungan sakin dahil GWAPO ako pero hindi ko na pinansin yon.

Nang makita ko ang target ko ay agad akong tumakbo palapit sa kanya. Kay sapot, na ngayon ay naglalakad lang mag-isa habang dala ang mga folder na mukhang dadalhin nya sa opisina nya. Pfft...

Nang malapitan ko sya ay agad ko syang inakbayan. "Aw! Anak ka ng nanay mo lawa! Gusto mo yatang baliin ang braso ko tarantado ka." Tss. Pano ko ba makakausap ang babaeng to nang hindi nya ako minumura? Tarantado daw? Sa gwapo kong to? Nahiya ang pagiging tomboy nya ah?

"Aw!" Ako naman ang napadaing nang sikuhin ako sa tagiliran ni sapot. Sadista talaga kahit kailan!

"Bumitaw ka kung ayaw mong makatikim ng folder na to." Pagbabanta ni sapot habang tinataas ang mga folder na hawak nya. Pero imbes na sundin sya ay tinulak ko pa sya sa pader at ki-norner. "Hoy lawa bumitaw ka nga----"

*Tsup*

Agad ko syang hinalikan kaya tumahimik sya. Smack lang naman. Sa lahat ng mga babaeng hinahalikan ko, sya yong nawawala sa sarili. I was expecting that she will shout and punch me but she didn't do anything. Tulala lang sya at hindi alam ang gagawin. And that's my advantage.

"Talk and I'll kiss you." Nakangising sabi ko pero tulala lang sya. Tulad nong una ko syang hinalikan. "Well, may sasabihin lang sana----hindi pala, may iuutos lang sana ako. Gusto kong i-cheer mo ko mamaya sa laro. At pag hindi mo yon ginawa, hahalikan na naman kita." Pagkatapos kong sabihin yon ay umalis na ako don. Hahaha. Epic ng mukha nya! Putek! Lakas maka-laugh trip!

"Oh? Lawak ng ngiti natin ah? Don't tell me na-aya mo ng i-cheer ka ni sapphire mamaya?" Salubong sakin ni linus nang papasok na sana ako ng tambayan. Tinapik ko lang sya sa balikat at tuluyang pumasok sa loob. Para lang naman tong classroom, an abandoned classroom to be exact.

Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)Where stories live. Discover now