Sapphire's POVKanina pa talaga masama ang paki-ramdam ko. Hindi ko alam kung bakit pero mas gumrabe pa ang sama ng paki-ramdam ko nang pumasok kami dito sa bagong restaurant. Enjoy na enjoy naman na kumakain ang iba tsaka masarap naman ang pagkain pero masama talaga ang paki-ramdam ko.
Wala naman akong lagnat pero----hays! Hindi ko maipaliwanag eh.
Punyeta! Bakit hindi ako mapakali! Anong nangyayari sakin?!
Tumayo ako dahilan para maagaw ko ang atensyon nila asul. "Banyo muna ako."
Tumango naman sila kaya umalis na ako don.
Pumunta akong CR hindi para magbanyo kundi para maghilamos.
Napatingin ako sa kamay kong Basa, nanginginig ito. Napa-iling nalang ako at hinugasan ang kamay ko at kumuha ng tissue saka pinunasan ang mukha at kamay ko.
"Girl nakita mo ba yong labas? Ang ganda noh?" Napatingin naman ako sa dalawang babaeng pumasok sa banyo.
"Oo nga eh pero ang gwapo nong lalaki sa labas."
Tss. Ang lakas ng mga boses kung mag-usap. May taong ayaw marinig ang boses nyo oy!
Huminga nalang ako ng malalim.
"Oo nga eh, pero mukhang may isu-surprise sya baka may girlfriend na."
"Sayang naman."
Tumingin muna ko sa salamin bago lumabas don.
"Anak ka ng! Nakakagulat ka namang gago ka!" Sigaw ko don sa waiter basta nalang lumitaw sa harap ko at binigyan ako ng isang rosas.
Napakamot naman sya ng batok.
"Bakit mo ko binibigyan nito? Kilala ba kita?" Masungit na tanong ko.
Aba! Kung hindi ka rin naman tanga! Magbibigay ka na nga lang ng bulaklak sa hindi mo pa kilala!
"Napag-utusan lang po."
"Sino naman-----hoy! Bumalik ka dito! Walangya! Bastos! Kinakausap pa eh!" Bulong ko nalang at nagpatuloy na sa paglalakad. Iniwan ba naman ako nong lalaking yon.
"Para po sa inyo." Nagtaka na naman ako nang bigyan na naman ako ng isa pang rosas ng isang waiter.
"Sino nagutos sayo?"
Kumamot naman sya sa batok nya at umalis na. Muntik ko ng ibato sa kanya tong dalawang rosas na hawak ko kaso sayang eh, first time kong bigyan ng bulaklak kaya sayang naman kong sisirain ko lang.
Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad at may nagbigay na naman ng isang rosas sakin.
"That three roses symbolizes that 'I'm sorry mine'."
Napatigil ako nang marinig ang boses na yon. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin kung san nag-mula ang boses na yon pero wala akong makita. Wala din ang mga kaibigan ko, wala na ring tao sa loob ng restaurant.
'nagsara na ba sila? Nilayasan na ba ako ng mga kaibigan ko?'
Napa-iling nalang ako nang marealize ko ang paligid ko. May mga petals sa sahig na nagkalat---ay hindi pala nagkalat dahil para syang daan na susundan mo lang.
"I'm sorry mine kung hindi ako nagpakita for about three days."
Ayan na naman yong boses. Kung walang speaker dito, iisipin ko ng baliw ako at may nagsasalita sa isip ko pero hindi dahil don nanggagaling yong mga boses, boses ni kurt.
*Pssks* (sensya na sa sound effect)
Bigla nalang namatay lahat ng ilaw at wala na akong makita kundi itim.

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...