Mayumi's POVIt's Saturday at busy na ang lahat sa mga requirements para pumasa sa first semester which is matatapos 2 weeks from now. Habang busy ang lahat, ako naman, busy kaka-stalk sa Kenneth na yon. Palihim ko syang sinusundan at ngayon, nasa library kami. Ewan ko ba, parang may nagsasabi saking ang Kenneth na naging virtual ex ko noon, ay ang kenneth na vice-president ng school na to. Si kenneth na laging nagpapasaya sakin noon pero nawala ng wala akong kaalam-alam. Nakilala ko lang kasi sya sa fb, pero nahulog ako sa totohanang pagmamahal. Ang corny ko noh?
Pasilip silip lang ako kay kenneth na seryosong nagbabasa. Mula nong lunes, lagi lang syang nandito at nagbabasa. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga libro, mas hilig ko pa ang matulog.
"Hai" napa-angat ang tingin ko nang may nagsalita sa harap ko. Isang lalaking ahmmmm...malakas ang dating? Gwapo? Matangkad? At masasabi kong may nasasabi sa buhay.
Umayos naman ako ng upo, nakatungo kasi ako kanina. "Yes?" Pormal kong sabi.
"Can I sit here? Puno na kasi ang lahat ng table at ikaw lang yong nag-iisa dito sa table." Nakangiting sabi nya.
Tumingin naman ako sa paligid. Bago lang kasi ang dis-missal kaya pumunta lahat ng estudyante dito para mag-aral. Tumango naman ako at tumingin sa parte kung nasan si kenneth pero wala na sya. Wala sa sariling napatayo ako.
"Wait where are you going?" Tanong nong lalaki na hinawakan pa ako sa kamay nang paalis na ako sa table.
"Ahmm, aalis na." Sagot ko habang tingin ng tingin sa paligid. Baka kasi nandyan pa sya eh.
"Bakit? Ayaw mo bang nandito ako? Aalis nalang ako."
"H-hindi" Pigil ko sa kanya nang sya sana ang aalis sa table. Ba yan, mukhang hindi ko na mahahabol pa si kenneth. Umupo nalang ako pabalik. "M-may tinignan lang ako kanina. Sige na, magbasa ka na."
Nagtatakang tumango naman sya pero nagbasa na rin naman ng libro.
'Hay, ano ba yan! Mukhang natakasan ako ah!'
Blake's pov
Nandito kami ngayon sa bar, buhay ng pusang gala pag nakalabas sa kulungan. Linggo kasi kaya nandito kami ngayon. Hindi lang yon, ito yong bar kung saan namin unang nakita sila sapot at yong mga chicks nyang kaibigan. May kanya-kanya kaming chicks ngayon at umiinom ng alak. Hobby pa namin to.
"Alam mo bro, nakakabigla talaga yang sila sapphire at jethro eh." Sabi ni linus. Hindi pa naman kami lasing dahil hindi naman kami madaling malasing.
"I have an idea" napatingin naman kaming lahat kay marky sa sinabi nya.
"Ano naman yon?"-ako
"What if maki-alam tayo sa kanila? It's for fun. Kung hindi natin sila magagantihan sa marahas na paraan dahil ayaw na nating tumayo don sa field, pwede natin silang magantihan sa pagmamagitan ng pakiki-alam sa relasyon nilang dalawa."
"Pano?"-vincent
"By the help of blake"
Sinamaan ko naman ng tingin si marky sa sinabi nya. Isali daw ba ako ng gago?!
"Sige, isali nyo ko dyan sa kalokohan nyo, makikita nyo hinahanap nyo." Pagbabanta ko sa kanila. Mga gago!
"Sige na bro, alam naman natin na sa ating lahat, ikaw ang gustong-gusto na makaganti kay sapot at jethro."-marky
"Wag mong tawaging sapot si sapot, ako lang tumatawag sa kanya ng ganon!"
"Possessive ang gago!"-linus

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...