Chapter 31

212 11 0
                                        


Sapphire's POV

Ba't ang tagal ng oras? Thursday pa lang ngayon at ngayon ang first day of being secretary ko saking so called gagong punyetang boyfriend ko kuno! Pakshet! Parang gusto kong magpatiwarik sa isiping yon.

"Elaine, what's my schedule?" Tanong ni kurt sakin kahit kakaupo ko lang sa opisina ng sekretarya.

"Malay ko sayo, ikaw may schedule ako tatanungin mo. Bobo ka din eh noh?"

Sinamaan ko naman sya ng tingin. Tama naman kasi ako, sya lang talaga tong tatanga-tanga.

"Tss, hand me that paper." Tinuro naman nya yong monitoring sheet na nasa lamesa na nasa harap ko.

"May kamay ka naman bakit kailangan mo pang iutos sakin? Tangina! Wag kang tatamad-tamad dahil presidenti ka ng school. Tss. Tss. Tss." Pailing-iling pa ako habang sinasabi ko yon.

"I will tell monica about th-----"

"Punyeta! Ito oh! Makasumbong! Tss!" Binigay ko naman sa kanya yong monitoring sheet. Pakshet! Mawawala pa ang free snack ko dahil sa isang to.

Ngumisi naman sya at bumalik sa opisina nya. Pinakyuhan ko nalang sya habang nakatalikod pa sya. Pakyu the 13th ka kurt kahit kailan!

"A-anong ginagawa mo dito sapot?"

Napatingin ako sa pinto ng opisina KO nang may mag-salita.

'anong ginagawa ng gagong to dito?'

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Imbes na sagutin sya ay tinanong ko pa sya. Umupo naman ako sa swivel chair ko habang si lawa ay umupo sa upuan na nasa harap ng table ko. Parang nasa opisina lang ah? Imba!

"Secretary? New secretary ka?" Gulat na tanong nya.

"Janitor gago! Janitor ako! Puta!" Tumawa naman sya. Tignan mo, nabaliw na. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero tumawa sya.

"Hahaha. Grabe, dinudungisan mo ang pangalan natin sapot. Hindi ka na dapat tawaging rule breaker dahil ikaw na mismo ang gumagawa ng batas sapot."

Inirapan ko lang sya. "Kahit basagin ko pa mukha mo, walang makakapigil sakin lawa."

"Galit ka pa rin ba sakin hanggang ngayon sapot?"

"Ang saya ko nga dahil nakita kita, peste! Pagkatapos mo kong iwan kahapon may lakas ng loob ka pang magpakita sakin gago ka?!"

"Easy sapot, natulala ka kasi sa banat ko eh, kaya ayon, akala ko estatwa ka na. Hahaha."

*Bogsh*

Binato ko naman sa kanya yong mga papel na nasa lamesa ko. "Umalis ka dito gago ka!"

"Aga aga, ang init ng ulo mo. Sige, aalis ako pero tandaan mo, kahit saan ako pupunta, babalik at babalik ako para sayo." Kumindat pa sya pagkatapos nyang sabihin yon. Ramdam ko ang inis sa buong katawan ko kaya inis na kinuha ko ang laptop na nasa harap ko at ibabato na sana kay lawa nang--------

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!" Umalingawngaw ang boses ni kurt sa loob ng SSC office.

Dahan-dahan ko namang binalik ang laptop sa lamesa, hindi pala akin yon.

"Mr. Benetiz, what are you doing in this office?!" Halata ang inis sa boses ni kurt. Ano ba kinaiinis ng isang to?

"Dinadalaw si sapot Jethro" nakangising sagot ni lawa. Naningkit naman ang mata ko.

"Hoy lawa! Anong akala mo sakin preso?!"

"Hindi, mukha ka lang talagang kriminal. hahaha."

"LUMABAS KA DITO PUNYETA KA!"

Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)Where stories live. Discover now