Sapphire's POV~one week later~
December na at nag-uumpisa na namang mangaroling ang mga kapitbahay namin. Mga punyeta! Ginawa kaming charity ng mga bata dito sa village namin. Tulad nalang ngayon, kakauwi ko lang galing eskwelahan dahil linggo ngayon at busy sila mom and dad sa business kaya hindi nila ako na-sundo pero okay lang, may driver naman eh.
Binaba ko ang bintana ng sasakyan at tinawag yong tatlong bata na kumakanta sa harap ng bahay.
Nilabas ko ang natitirang pera ko, 100 pesos. Binigay ko yong pera sa kanila at agad naman silang nagpasalamat kaya pumasok na kami sa loob.
...........
"Sapphire dear" tawag ni mom sakin nang makababa ako ng hagdan. Kakatapos ko lang magpahinga galing sa school at nandito na pala sila mom.
Sinalubong ko naman sila ni dad at hinalikan sa pisngi. "How's business mom, dad?" Tanong ko sa kanila at pumuntang kusina para ikuha sila ng tubig. Wag kayo, minsan lang akong maging mabait kaya treasure yon para sa mga magulang ko. Ganon ako ka-gago.
"Okay lang naman, stress as always. By the way iha, your mom and I will go on a trip baka mga 2 weeks yon sa hongkong."
"Here" abot ko sa kanila ng tubig. Inabot naman nila yon ng nakangiti.
"Salamat iha"
"Thanks dear"
Tumabi ako kay dad. "Babalik naman kayo sa pasko diba?" Medyo dismayado kong tanong. Aba! Walang pasko na hindi ko sila kasama. Subukan lang nilang hindi bumalik hindi ko sila papansinin buong taon.
"Oo naman dear, before the Christmas nandito na kami." Sabi ni mom at nilapitan ako. Nginitian ko lang sila.
............
"Maam may bisita po kayo." Salubong sakin ni Yaya nang makalabas ako ng kwarto na agad ko namang ikinataas ng kilay.
'anak ka ng kalbo! Alas singko ng hapon may bisita pa ako? Hindi naman ako preso ah? Wala din akong sakit. Tss. Sino naman kaya yan? Imposible namang mga kaibigan ko yan o si pinsan dahil dederitso lang ang mga yon sa kwarto ko at hindi na ako aantayin sa baba.'
"Nasan?" Tanong ko nalang kay Yaya.
Yumuko naman siya. Takot kasi sakin ang maid dito eh hindi naman ako kumakain ng tao. Punyeta! Akala siguro nila aswang o bampira ako.
"N-nasa labas po." Sabi nya ng nakayuko. Nilagpasan ko nalang sya at lumabas na at ready na sana akong bugahan ng apoy yong BISITA ko kuno pero napatigil ako ng makilala kung sino.
'anak ka ng pusa oh! Mauulit na naman ba?'
"Umalis ka na kung ayaw mong ihagis kita pabalik sa inyo." Seryoso kong sabi kay lawa na ngayon ay naka-sandal sa black Lamborghini nya.
*Pout* buti pa sya hinahayaan ng magulang nyang magmaneho. Ako, nasobrahan sa pagiging OA ang parents ko kaya hindi ako pinagmamaneho. Last na drive ko kasi muntik na akong ma-coma kaya ayon, hindi na nila ako pinagmaneho. Hindi ko naman sinasadyang ma-aksidenti. Gago lang talaga yong kotse!
"Lumalabas ka ng bahay nyo ng naka-ganyan?! Putang-ina sapot!" Nabigla ako sa sinigaw ni lawa. Kung anong kina-kalma ko kanina syang ikina-sigaw nya.
Pinasadahan ko naman ng tingin ang sarili ko. Simple t-shirt and short na hindi naman masyadong ma-ikli.
"Ano namang problema mo sa suot ko? Teka nga! Iniiba mo ang usapan eh gago ka! Umalis ka----anak ka ng pvta! San mo ko dadalhin lawa?" Deri-deritsong tanong ko nang basta-basta nalang akong hilahin ni lawa at pinasakay sa kotse nya.

YOU ARE READING
Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)
Teen FictionDalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadhana? May masisira ba? May mababago? Sabi nila, nakakakilig ang love triangle. It gives a twist to th...