Chapter 73

156 6 0
                                        


Mayumi's POV

Apat. Apat na taong nasasaktan ang nasa harap ko ngayon. Nandito kaming lahat sa cafeteria. Lahat, as in lahat. Mula sa kaibigan ni blake, president at kaming kaibigan ni sapphire. Kasama din namin dito sa malaking table si janella.

Nasa harap ko ngayon si sapphire. Katabi ni sapphire si president at blake. Katabi naman ni president si janella.

Apat. Apat na nasasaktang tao ang nakikita ko ngayon.

Si blake na nakatingin kay sapphire. Si sapphire na pasulyap-sulyap kay president. Si president na busy kaka-asikaso kay janella. Si janella na pasulyap-sulyap kay Blake.

Para silang mga tanga.

Napahinga nalang ako ng malalim at napatingin sa iba na tulad ko, nakikiramdam lang din.

Lahat naman kami ay hindi alam ang gagawin at nakikinig lang sa kanilang apat.

"Here eat this." Sabi ni president habang nilalagyan ng pagkain ang Plato ni janella.

Tumayo naman si janella at lumapit kay Blake dahilan para mapatingin si president sa kanilang dalawa.

"Diba favorite mo to bab----blake? Sayo nalang oh." Sabi pa ni janella at binigay yong pagkain na nasa Plato nya.

"Mas gusto to ni sapot, sayo nalang sapot oh." Sabi ni blake at binigay kay sapphire ang mga pagkain na binigay ni janella.

Parang iiyak naman si janella na bumalik sa inuupuan nya.

Tinignan namin si sapphire. Nakatingin sya kina janella at president pero kalaunan ay kinain nalang yong binigay ni blake na pagkain.

Parang ako yong nasasaktan sa kanilang apat. Hindi mo man mahahalata pero alam kong nasasaktan silang apat sa sitwasyon nila.

Kahit nga kami na nakatingin lang sa kanila ay ramdam namin ang sakit na dinadanas nila.

Hindi man nila sabihin alam naming nahihirapan sila sa nangyayari.

Gusto man naming gumawa ng paraan pero pinili nalang namin na wag ng maki-alam. Nakita namin kung anong epekto ng ginawa namin noon at hindi naging maganda ang kinalabasan.

Kung hindi kami naki-alam noon, ano kayang mangyayari? Ganito pa rin kaya? Masasaktan pa rin kaya nila ang isa't-isa?

Kung alam ko lang na ganito ang kalalabasan, hindi ko na sana sinabi ang mga yon kay sapphire. Wala sana sya sa sitwasyong to.

Kilala ko si sapphire na walang paki-alam pagdating sa ganitong bagay. Simple lang ang buhay nya noon, makikipag-away, iinom, mananapak at magpapahinga tapos yon na naman.

Dahil sa nangyari, hindi ko aakalain na magiging ganito ang epekto sa kanya.

She don't deserve this. No one deserves this.

'I feel sorry for all of you.'

***

Blake's pov

Pagkatapos naming kumain ng sabay kanina ay umalis na rin ako don. Tss. Nandon kasi yong makulit na babaeng yon.

Pumasok na ako sa huling klase ko.

Discuss

Dismissal

Lumabas na ako ng room at nakasalubong ko pa ang babaeng lagi nalang dikit ng dikit sakin. Hindi ko nga alam pangalan nya eh pero kung makakapit wagas.

"Babe!" Sigaw pa nya nang hindi ko sya pansinin. Asa naman sya.

Agad akong naglakad palabas ng building nang makita ko si Jethro na nakatingin sakin ng deritso.

Mr And Ms Rule Breaker Meet Mr Rule Maker✔️(Rules Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon